June 13, 2025
Ronnie Quizon, not keen on following his father’s footsteps
Latest Articles

Ronnie Quizon, not keen on following his father’s footsteps

Apr 4, 2017

Kung napabilib tayo ni Ronnie Quizon sa pelikulang “Rekorder” ni Mikhael Red sa Cinemalaya, muli na naman niya tayong pahahangain sa pelikulang “Pusit”, ang pinakabagong obra ng veteran journalist turned filmmaker na si Arlyn dela Cruz.

Ang “Pusit” ay isang colloquial term para sa mga taong positibo sa AIDS or HIV.

“Closet queen na maraming hang-ups ang role ko. May boyfriend ako na user played by Kristofer King,” bungad niya.

ronnie-and-kristofer

Ayon pa sa award-winning actor, hindi ito ang first time niya na gumanap ng gay roles pero sa direksyon ng kanyang career, mas identified siya at tanggap sa drama.

“Nakalabas na rin ako sa mga kuwelang role. Ako iyong baby sa “Facifica Falayfay.” Ako iyong batang Dolphy. May TV show kami noon ng Quizon family at may mga Dolphy special din akong nagawa. May mga episode din ako sa MMK,” pagbabalik tanaw niya.

Sa acting career niya, wala pa raw siyang natatanggap na roles tulad ng ‘screaming faggot roles’ na ginampanan noon ng kanyang late father na si Dolphy.

“Wala pa talaga. Pero willing naman akong gawin pero hindi para i-imitate iyong father ko. I guess, hindi lang ako ‘keen’ to be the next Dolphy or kilala ako as a comedian. Tulad ni Epy, mas identified kami sa dramas,” paliwanag niya.

Hindi rin daw naman niya choice na umiwas sa ganitong klaseng roles.

“Actually, lahat ng roles, challenge para sa akin. May mga offer sa akin to do roles na ginagawa ng father ko noon pero  hindi siya natutuloy. I guess, hindi talaga cut out to be a comedian,” sey niya.

Ayon pa sa kanya, hindi raw kailangang magkaroon ng peg ang isang actor para epektibo niyang maitawid ang requirements ng isang role.

“Hindi naman kailangang magkaroon ng peg. I believe naman everybody has a masculine or feminine side, babae man siya o lalake. Kailangang i-explore mo lang naman iyong side na iyon para sa role na ipo-portray mo,” esplika niya.

Bilang isang taong may AIDS sa “Pusit”, marami raw siyang natutunan.

“Actually, maraming maling paniniwala sa mga taong nagkakaroon ng AIDS. Pag nagkaroon ka ng AIDs, iispin nila na bading ka, pero in reality, maraming dahilan kung bakit nagkaka-AIDS ang isang tao at hindi lang siya sa pakikipag-sex nakukuha. Anyone could be a victim of AIDS kahit iyong inosenteng baby na hindi pa ipinapanganak,” aniya.

May mga AIDS victim din daw siyang kakilala at para sa kanya ay dapat unawain ang mga tao sa halip na husgahan.

“Actually, these people should be treated with compassion. AIDS is a disease. It’s an illness and nobody wants it,” esplika niya.

Nalulungkot din daw siya na minsan ay nagiging biktima ng panghuhusga at diskriminasyon ang mga taong merong AIDS sa ating lipunan.

“It’s actually a cruel world. It’s sometimes the norm na idini-dictate ng society. Tulad halimbawa kapag ex-convict ka, a lot of people would not hire you especially sa mga uninformed na takot na baka magkasakit sila o mahawahan sila,” pagtatapos niya.

Ang “Pusit” ay iprinudyus ng bookstore magnate turned producer na si Maria Teresa Cancio.

Si Ronnie ay nagwagi ng kanyang kauna-unahang international acting award bilang best actor sa 2014 Barcelona Film Festival para sa Cinemalaya movie na “Rekorder” ni Mikhael Red.

Bukod sa “Pusit”, tapos na rin ni Ronnie ang pelikulang “Birdshot” tungkol sa iba’t-ibang anyo ng korupsyon.

Happy din siya dahil nanalo ang nasabing pelikula ng Best Asian Future Film Award sa 29th Tokyo International Film Festival noong nakaraang taon.

 

Leave a comment