May 24, 2025
Ronwaldo slowly stepping out of his brother’s shadow
Latest Articles

Ronwaldo slowly stepping out of his brother’s shadow

Feb 16, 2017

Pinuri ng mga kritiko at tumanggap ng international acclaim si Ronwaldo Martin para sa kanyang pagganap sa mga pelikulang Ari: My Life with a King ni Carlo Enciso Catu at “Pamilya Ordinaryo” ni Eduardo Roy, Jr.

Katunayan, marami ang bumilib sa kanyang pagiging ‘natural actor’ bilang batang ama  sa Cinemalaya entry na Pamilya Ordinaryo.

 “Nagpapasalamat po ako dahil napapansin po,” bungad niya.

Ito rin ang naging pasaporte upang makarating siya sa ibang bansa.

“Nakapunta na po ako sa Hanoi International Film Festival sa Vietnam at Venice Days sa Italy at proud po ako sa naging pagtanggap nila sa akin,” aniya.

 Ayon pa kay Ronwaldo, masaya siya dahil kahit papaano ay nakakawala na siya sa anino ng kanyang kuyang si Coco.

“May nakakakilala na rin po sa akin at tinatawag ako sa pangalan ko. Kasi, dati ang alam nila, kapatid lang po ako ni Kuya (Coco),” sey niya.

coco-and-ronwaldo

 Saad pa ni Ronwaldo, gusto rin niyang makatrabaho ang kanyang kuyang kilalang award-winning actor at Kapamilya primetime king na si Coco Martin.

“Ayaw po kasi ni Kuya, kasi, gusto niya na makilala muna ako sa indie. Gusto ko naman po na makilala rin ako sa sarili ko po na hindi niya tinutulungan,” pahayag niya.

 Gayunpaman, suportado raw ng FPJ’s Ang Probinsyano star  ang kanyang career.

Enjoy din daw siyang gumawa ng indie dahil marami siyang natututunan.

 Muli na namang magpapamalas ng galing si Ronwaldo sa pelikulang Bhoy Intsik ni Joel Lamangan kung saan ginagampanan niya ang papel ni Marlon, isang small town crook na kaaway sa negosyo ni RS Francisco (in the title role), isang notorious gay na nang lumaon ay naging kaibigan niya sa pagsasanib ng kanilang operasyon.

Hindi rin big deal kay Ronwaldo kung hindi man siya ang title roler sa pelikula kahit ilang beses na siyang nakapagbida.

 “Hindi naman po siya totally na suporta kasi balanse naman po ang role namin. Ako naman po, wala pong problema sa akin na mag-support kasi kahit si Kuya, nagsu-support din po siya noon sa mga ibang artista,” paliwanag niya.

Kahit naging magkaibigan, wala raw gay angle sa kanilang relasyon ni RS sa pelikula.

Excited na rin si Ronwaldo dahil isasama siya ni Coco sa nalalapit nitong US tour sa California sa Abril kung saan magkakaroon ito ng show.

 “Hindi po ako kasama sa show. Dadalhin lang po kami ni Kuya kasama ang lola sa California para magbakasyon,” bida niya.

Masaya rin siya dahil kahit abala ang primetime king na kilala sa pagiging workaholic ay naglalaan ito ng panahon para mag-bond silang magkapatid.

 Tsika pa ni Ronwaldo, bagamat kilala niya si Julia (Montes) na nababalitang nobya ni Coco ay hindi pa raw niya ito nami-meet nang personal.

Tungkol naman kay Yassi (Pressman), nagkaroon na raw siya ng pagkakataong makasama ito.

“Mabait po siya. Na-meet ko na po siya noong mag-show sila ni Kuya sa Dubai at Saudi Arabia,” pagwawakas niya.

 Mula sa direksyon ng multi-award winning director na si Joel Lamangan, ang Bhoy Intsik na mula sa panulat ni Ronald Carballo ay kalahok sa 2017 Sinag Maynila Film Festival.

Tampok din dito sina RS Francisco, Elora Espano, Jim Pebanco, Tony Mabesa, Jeric Raval at marami pang iba.

Leave a comment