
RS Francisco dedicates SBIFF awards to LGBTQ
Apat na award ang nakuha ng pelikulang “Bhoy Intsik” sa katatapos lang na kauna-unahang Subic Bay International Film Festival (SBIFF) na ginanap nung Linggo sa Harbor Point Mall.
Ang nasabing pelikula ang nanalo bilang Best Cinematography para kay Rain Yamson, Best Story and Screenplay para kay Ronald Carballo, Best Picture, at Best Actor para sa pangunahing bida na si RS Francisco.
Present sa okasyon si RS kaya personal niyang nakuha ang kanyang trophy.
Narito ang acceptance speech ni RS.
“Maraming salamat sa lahat ng jury. Dini-dedicate ko itong trophy ko na ‘to sa lahat ng co-nominees ko, kasi para sa akin lahat tayo deserving sa award na ito.
“Si Buboy (Villar), para rin sa’yo ito. To Ping Medina, Carlos Morales, and everyone else, I dedicate this.
“And of course, I dedicate this to my LGBTQ family (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer). Sana nagampanan ko nang mabuti ang LGBTQ role sa telebisyon, sa pelikula, at sa teatro.
“Ginagawa ko ‘yung best ko para mapaganda at maiangat ang tingin ng tao sa LGBTQ community. Nagpapasalamat din po ako kay Ronald Carballo, maraming-maraming salamat Ronald at ikaw ang nakaisip ng Bhoy Intsik.
“Ako lang ang nagbigay buhay, pero nanggaling sa utak mo si Bhoy Intsik. Ferdie Lapuz, thank you very much at binebenta mo ang Bhoy Intsik abroad.
“Salamat at nakakuha rin tayo ng award dun. Isha (Germentil-Production Manager ng Bhoy Intsik), maraming salamat.
“Si Isha ang gumagawa ng possible things sa Bhoy Intsik. Sa lahat ng close friends ko sa press, maraming-maraming salamat. Napamahal na kayong lahat sa akin. Nung una natakot ako sa inyo, alam ninyo yan. Sinasabi ko baka mataray ang press, pero mababait pala at sinusuklian ninyo ang pagmamahal ko sa inyo.
“Sa pamilya ko sa Frontrow, maraming-maraming salamat. Of course, Elwood Perez, my idol, maraming-maraming salamat dito sa award na ito.
“Sir Vic Vizcocho Jr. and Arlyn dela Cruz-Bernal (Festival Directors ng SBIFF), maraming salamat. My heart is full of gratitude at wala po akong gustong gawin ngayong gabing ito kundi magpasalamat nang magpasalamat dahil binigyan ninyo ng saysay ‘yung mga ginagawa ko.”
Sa pagkapanalo naman ng Bhoy Intsik bilang Best Picture, ang tanging nasabi lang ni RS ay, “All films are equally good. But you have a good taste (referring sa mga hurado sa SBIFF).”