May 23, 2025
Raymond Francisco to star in Joel Lamangan’s new masterpiece
Latest Articles

Raymond Francisco to star in Joel Lamangan’s new masterpiece

Mar 3, 2017

Bida sa pelikulang “Bhoy Intsik” ang kilala at beteranong stage actor na si RS Francisco na mas kilala ngayon bilang Raymond Francisco.

Bukod sa pagiging aktor sa entablado, isa ring direktor sa mga tv commercial si Raymond.

Palibhasa’y may talento sa dalawang larangan, hindi siya nahirapang pasukin ang isa pang mundo na ngayon ay ini-enjoy niya at binibigyan niya ng tamang atensiyon at pagpapahalaga, at ito ay ang pag-aartista.

Bagamat hindi pa ganoon katagal ang pag-arte niya sa tv at pelikula pero nakitaan na agad si Raymond ng galing at lalim sa kaniyang pagganap.

Pruweba rito ang mga proyektong nagawa niya at pinagkatiwalaan siya.

Ilan sa mga tv project na nilabasan niya ay ang “Magkaribal”, “Princess and I” at pinakahuli ang “Dolce Amore” sa  ABS-CBN  2.

Sa pelikula naman ay una siyang lumabas sa “Sibak” na sinundan ng mga pelikulang “Bwaya”, “Pikit-Mata” at marami pang iba.

At ngayon ay ganap nang bida si Raymond sa pelikulang “Bhoy Intsik” sa direksyon ni Joel Lamangan.

Bading ang role niya sa pelikula na magkakaroon ng kaugnayan sa isang homeless na binatilyong lalaki na si Ronwaldo Martin.

Dito na iikot ang istorya sa kanilang masalimuot na pakikipagsapalaran sa buhay.

Nilinaw na agad ng aktor na walang romansang magaganap sa kanila sa pelikula ng nakakabatang kapatid ni coco Martin.

“Ang relasyon namin dito ay parang tatay niya ako at anak ko siya. Hindi ko siya dyowa. Wala kaming laswaan dito. This is really totally different. Ang true love ko sa movie is Jeric Raval, but may asawa siya rito si Liz Alindogan, “ paglilinaw niya.

17016601_10209999832206978_991254426_o

Sa kuwento ni Direk Joel, nabigyan ng justice nina Raymond at Ronwaldo ang kani-kanilang role sa pelikula at sabi ng batikang direktor ya magagaling daw silang dalawa.

Siyempre pa, happy si Raymond sa mga papuring ito sa kaniya na kahit sinasabi niyang kinabahan siya  habang ginagawa ang pelikula.

“Ito ang first title role ko kaya medyo kinabahan ako. Ayoko talagang gawin ito. Gusto ko support lang at di ko kayang mag-lead pero sabi ni Direk Joel kaya ko, nung binasa nya raw ang script ay ako talaga ang nasa isip nya.”

Bukod kina Ronwaldo at Raymond, kasama rin sa pelikula sina Mon Confiado, Elora Espano, Jeric Raval, Jim Pebanco, Tony Mabesa, Shry Valdes at Liz Alindogan.

Magsisimulang ipalabas ang “Bhoy Intsik” sa mga sinehan sa March 9 hanggang 14 sa SM North Edsa,  SM Megamall, Glorietta 4  at Gateway Cinema.

Kabilang ang pelikula sa limang entries ng Sinag Maynila Film fest na pinamumunuan ni Direk Brillante Mendoza.

Leave a comment