
RS Francisco and his staying power
Talagang sunud-sunod ang mga parangal na natatanggap ng aktor at negosyante na si RS Francisco.
Nitong nakaraang Linggo lamang, May 20, ay tumanggap siya ng award sa prestihiyosong “Guillermo Mendoza Entertainment Awards” bilang Best Celebrity Businessman of the Year.
Bagama’t isa nang maunlad na negosyante, tuloy tuloy ang pagbuhos ng acting projects para sa batikang aktor.
Nakabilang din, nitong Mayo ang pelikula ni RS, sa direksyon ni Joel Lamangan, ang Bhoy Intsik sa Nice Film Festival, kung saan inuwi nito ang Best Editing of A Foreign Film Award.
Sa pelikula rin na ito unang nakatanggap ng Best Actor trophy si RS Sa Sinag Maynila noong 2017.
Ito rin ang pinaka unang lead role na kaniyang ginampanan sa isang pelikula.
“After years of acting, this is the first time I ever received validation as an actor,” sabi ni RS.
Hindi roon natuldukan ang pagyakap ng manunuod sa galing ni RS.
Nitong Pebrero ay muling tumanggap ng “Movie Actor of the Year” award sa 34th PMPC Star Awards ang aktor.
Napanood na rin ang pelikulang Bhoy Instik sa ilang international film festival gaya ng London East-Asia Film Festival (LEAFF) at Fantasporto Film Fest sa Portugal. Mula sa Portugal ay inuwi ng Bhoy Intsik ang Special Jury Prize.
Matagal na nating nasasaksihan si RS sa mga pelikula at prime time serye subalit kadalasang support role ang mga napupunta sa kanya.
Nakapiling na natin ang aktor sa mga seryeng Magkaribal, Princess and I, Dolce Amore at Nandito Ako pati na rin sa mga pelikulang Markova: Comfort Gay, A Love Story, Past Tense at She’s the One.
Maaaring nagmula ang galing ni RS bilang aktor sa kaniyang pag ganap sa teatro nung siya ay bata pa lamang.
Kung iisipin nga naman, nakilala ng husto si RS dahil sa kaniyang kakaibang husay na pinakita sa stage play na M. Butterfly bilang lead nito na si Song Liling.
Kahit abala sa kaniyang negosyo na FRONTROW International ngayon, hindi parin nakakalimutan ng aktor ang kaniyang first love–ang pag-arte.
“Proud na proud kami sa lahat ng magandang nangyayari kay RS ngayon. Talagang deserve niya ito dahil hindi lamang siya magaling pero napakabuti din,” ani ni Myles Andaya na tumanggap ng award para kay RS noong nakaraang linggo sa Resorts World.
Talagang marami nang buhay ang nabago ni RS dahil sa kaniyang negosyo na FRONTROW.
Ang FRONTROW ay isang health and beauty leader (na pinakakilala para sa kanilang Enhanced Glutathione Supplement) na nagbibigay ng pagkakataon sa napakarami na maging negosyante at umasenso sa buhay.
Bukod sa mga health and beauty supplements, meron ring bagong Skin Perfecting product na DD Stick (endorsed by no less than Queen of Hearts Kathryn Bernardo) at Instant Skin Brightening Lotion na Instabright ang FRONTROW.
Kasabay ng patuloy na tagumpay na tinatamasa ni Francisco sa negosyo, at ng pelikulang Bhoy Intsik, ay masasaksihan ang kaniyang ka abang-abang na pagbabalik entablado.
Ngayong 2018 ay muling mapapanood si RS Francisco bilang Song Liling sa award-winning stage play na M. Butterfly.
Ito ay inihahandog ng 3-time Tony Award at Grammy Award winner na si Jhett Tolentino at ng FRONTROW Entertainment (ang bagong entertainment subsidiary ng FRONTROW).
Huwag palampasin ang pagkakataon na masaksihan ang kakaibang galing ng “Best Celebrity Businessman of the Year” na si RS sa M. Butterfly.
Mapapanood ito ngayong Setyembre sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig.
Editor’s note: Inanunsyo naman ng 41st Gawad Urian ang mga nominado ngayong taon. At nakakuha ng anim na nominasyon ang Bhoy Intsik kabilang ang Best Actor para kay RS.