
Rufa Mae almost quit showbiz after giving birth, gets support from husband
Kahit wala na sa sitcom na Home Sweetie Home si Rufa Mae Quinto, tuloy pa rin naman ang buhay. Kapag walang commitment sa Pilipinas ay nagbabakasyon sila ng anak sa California kung saan naninirahan ang kanyang asawang si Trevor Magallanes.
Nag-eenjoy din siya sa kanyang Vlog sa YouTube kung saan dumarami na ang kaniyang subscribers.
Pero nasa Pinas ngayon ang comedy actress dahil kasama siya sa pelikulang “And Ai, Thank You,” na pinagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas bukod pa sa ibang movie projects na gagawin niya.
Special participation lamang siya rito pero hindi naging problema ito sa kaniya.

“Minsan na rin akong sinuportahan ni Ai no’n nung movie ko na Booba kaya wala namang problema sa akin. Saka maganda ‘yung pelikula. Masaya akong ginawa siya.”
Nagbago na rin ang panahon. Marami ng mga baguhang artista. Hindi ba siya nagwo-worry na hindi na tulad ng dati ang estado ng career niya?
“Dati lagi akong nagwo-worry nung bagets-bagets pa ako kahit wala namang dapat ika-worry. Laging gusto ko may ginagawa, eh, may movie, may ano pero dumating na ako sa point na hindi kailangang pilitin kung hindi talaga para sa ‘yo. Kaya di ba, producer din ako. Kasi parang pag na-iinip ako, okey another project, tuluy-tuloy lang.
“Hanggang sa na-realize ko na hindi pala ganun ang buhay. Minsan huwag mong ipilit kung hindi para sa ‘yo. May timing din ang lahat. Tsaka siyempre, yon nga, kailangan kong magkapamilya and everything.”
Dagdag pa ni Rufa Mae sa PSR, hindi na niya inaasahan na pagkatapos niyang mag-asawa at magkaanak ay makakabalik pa
siya sa showbiz.
“Kasi akala ko nung nag-asawa ako, kala ko talaga hindi na ako makakabalik kasi ang laki ko na. Tapos parang pina-feel din naman sa akin nung ibang tao na tumatanda na ako.
“Saka naisip ko si Ai-Ai 40 na sya nung ginawa niya ‘yung Tanging Ina na lalu pa siyang sumikat.”
Kung may tao raw na nag-push sa kaniya para balikan ang showbiz, ‘yun ay ang kaniyang asawa na si Trevor.
“Siya ‘yung nagsabi sa akin in English ha, na gawin ko lang kung saan ako magaling. Do what I am good at. Very supportive siya. Ayoko na nga sana. Manirahan na lang kami ng anak ko ng simple lang ang buhay sa ibang bansa kasama ng asawa ko pero siya ‘yung nagpu-push sa akin na ipagpatuloy ko lang.”
Sa And Ai, Thank You, ginagampanan ng comedy actress ang papel ng isang rising star na magiging karibal ng bidang si Ai-Ai. This is under Reality Entertainment at Horseshoe Studios directed by Joven Tan at ipapalabas na sa August 14.