May 25, 2025
Rufa Mae Quinto is now engaged to non-showbiz guy
Home Page Slider Latest Articles

Rufa Mae Quinto is now engaged to non-showbiz guy

Feb 9, 2016

by PSR News Bureau

rufa maeOfficially engaged na ang Bubble Gang star at komedyana na si Rufa Mae Quinto. Inanunsiyo niya ito sa kanyang Instagram account nitong nakaraang Biyernes, February 5 nang mag-post ng larawan si Peachy [palayaw ni Rufa Mae] kasama ang boyfriend niyang si Trev Magallanes sa kanyang engagement dinner sa San Francisco, California.

Kasalukuyang nasa Amerika si Peachy at nagbabakasyon. Masaya ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa tinatamasang kaligayahan ngayon ng sexy star. After all, matagal na panahon na rin naman ang hinintay ni Peachy bago niya nakilala ang tamang lalaki para sa kanya. Ilang beses na rin siyang nabigo sa pag-ibig. And she’s not getting any younger bukod pa sa palagi niyang inuuna ang pangangailangan ng kanyang pamilya bago ang kanyang sarili.

rufa mae 3Sa kanyang Instagram, narito ang post ni Peachy:

“Thanks my new family… For the love and support, for hosting ,from throwing a wonderful , amazing, happy , lovely engagement dinner party. Can’t say much coz I’m so overwhelmed, yes to all my friends now in SF , thanks for coming , #mamasteph #papalance #parents #amazingparents #Love wins… A Family!!! #engagementparty #family #engaged #engagedlife – To my New Kuya, @baduncnjunked thanks for coming down to town in Sf once again for your brother @trevvvsilog #cuffedMensclub #mabilis #todonato !! So yeah , I’m engaged #lovewins soon #rufamaequinto.”

Si Rufa Mae o Peachy ang pinakabago na miyembro ng Bubble Gang na naging engaged. Noong nakaraang taon ay naging engaged din ang aktres na si Gwen Zamora kay Jeremy Marquez na dating aktor at anak ni Joey Marquez.

Mula sa amin sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), Congratulations Rufa Mae!

Leave a comment

Leave a Reply