May 25, 2025
Ruffa Gutierrez says love life isn’t her priority; she’ll be launching her book soon
Faces and Places Latest Articles

Ruffa Gutierrez says love life isn’t her priority; she’ll be launching her book soon

Sep 30, 2015

Ruben Marasigan

by: Ruben Marasigan

Ruffa-Gutierrez-001 Tanggap ni Ruffa Gutierrez na hindi boto ang mommy niyang si Anabelle Rama sa boyfriend niyang si Jordan Mouyal. At ito nga ang madalas pa rin na nagiging sanhi ng kanilang away at hindi pagkakaunawaan
“And… alam mo naman ang relasyon namin ni mommy. Lagi ngang away-bati,” sabi ni Ruffa. “Nasanay na ako ako dahil gano’n naman kami eversince.
“Pero ang maganda sa amin, kahit madalas kaming nagkakaroon ng misunderstanding at disagreements, nangingibabaw pa rin sa bandang huli ‘yung love namin sa isa’t isa dahil siyempre mommy ko siya at anak niya ako.”

May mga nasasabi mang negative ang mommy niya laban kay Jordan, hindi naman daw nagpapaapekto ang huli.
“I’m just very thankful na very cool siya. Hindi siya masyadong nagri-react sa mga nangyayari. So… iyon ang importante. Ang maganda siguro kasi non-showbiz siya kaya hindi niya pinapansin. I think it’s very helpful talaga na hindi sya part ng showbiz kaya hindi siya ganun ka affected.”

“Right now okay naman. Steady lang naman kami. Paalis-alis siya outside the country every now and then. Pabalik-balik. Kaya may mga panahon na hindi kami nagkikiita at walang time sa isa’t isa. And… hindi naman siya ‘yung priority, e.
“Hindi naman siya ang priority ko. Hindi rin naman ako ang priority niya.
“I think our priority now is our careers and work. So… wala namang problema when it comes to that kasi wala naman sa isip pa namin ang magpakasal o mag-asawa.
“Or… you know, magkaanak ako or something weird na gano’n. Okay lang naman sa amin,” na hindi nila priority ang isa’t isa sa ngayon ang ibig niyang sabihin.

Ito raw ang rason kung bakit hindi nila napag-uusapan o naiisip man lang ang tungkol sa pagpapakasal na.
“I’m so focused with my work right now, I have no plans of getting married in the near future.”

Ruffa-Gutierrez-and-Jordan-MouyalHow is Jordan’s relationship with her kids?
“Very ano… relaxed. For me ano, ayaw nga niyang maging part of the show kaya it’s better na huwag na lang siyang masyadong pag-usapan.”
Masaya raw si Ruffa na napapanood worldwide ang season 3 ng reality show ng kanilang pamilya na “It Takes Gutz To Be A Gutierrez.”
“‘Yung first at second season, napapanood ngayon sa TFC. And… sa E Channel at sa buong Asia. More than 20 countries across Southeast Asia naipapalabas ‘yong ‘It takes Gutz To Be A Gutierrez.’
Napapanood din ito sa Channel 57 sa Sky Cable, Channel 25 sa Cignal, and Channel 33 sa Cable Link. It’s every Monday, 9 pm.

Busy din daw si Ruffa dahil may bago itong proyekto. Mayroon siyang book na inihahanda. “And I just renewed my contract with several endorsements.
And I’m with Avon fashion and accessories. And I’m now prioritizing my book na lalabas before Christmas. Hindi ko pa puwedeng sabihin ang title ng book ko. But it’s under ABS-CBN publishing,” pagmamalaki pa ni Ruffa.

Tungkol saan ang nasabing libro niya?
“Secret!” tawa ulit ni Ruffa. “Ipi-presscon naman ‘yon. But I’m sure a lot of people will learn from my book.”

Sa puntong ito ng buhay niya, what’s her primary source of happiness and inspiration?
“My kids. Sila ang nagbibigay sa akin ng kasiyahan ngayon.
“Yeah, I feel very complete with my life. Wala na akong hinihingi pa.
“And if ever na… you know may madagdag pa do’n, it’s just a bonus,” huling nasabi ni Ruffa.

Leave a comment

Leave a Reply