May 24, 2025
Ruffa Guttierez on John Lloyd Cruz: “I want to work with JLC because he’s a good actor and not to rekindle with an old flame.”
Latest Articles T.V.

Ruffa Guttierez on John Lloyd Cruz: “I want to work with JLC because he’s a good actor and not to rekindle with an old flame.”

Jul 28, 2015

roldan@castro
By Roldan Castro

hqdefault (1)

Walang ‘ilang factor’ ang mag-ex na Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz sa muling pagsasama nila sa sitcom na “Home Sweetie Home.” Katwiran nila’y wala raw dahilan para magselos ang kanilang respective present partners na sina Angelica Panganiban at Jordan Mouyal.

Nag-enjoy ba siya kay JLC?
“Lagi naman akong enjoy sa kanya as a friend. Huwag na nating ibalik ‘yung nakaraan,” bulalas ni Ruffa nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa launching ng “It Takes Gutz To Be A Gutierrez” (Season 3) na nagsimula nu’ng Lunes, July 27, 9 PM sa E! channel ng NBC Universal International Networks.

5R_GUTZ_Family

Kumusta sila Lloydie na nagkasama sa work?
“Hindi awkward. Talagang very okay na okay kami,” aniya.
Wish din ni Ruffa na makagawa sila ng regular na project together.
“Huwag mag-alala ‘yung mga people kasi wala na sigurong part 2, part 3 o part 4 pa yan’ [referring to their lovestory]. Gusto ko lang siyang makasama dahil mahusay siyang artista,” bulalas pa niya.

Pabirong tanong kay Ruffa kung nakainuman na ba niya si Lloydie?
Tumawa siya sabay sagot ng “Hello…No comment,” tawa pa ni Ruffa.
Anyway, freelance ngayon si Ruffa at may bago siyang sitcom sa TV5 na “Misterless Misis” na kung saan makakasama niya sina Lorna Tolentino, Mitch Valdes, Gelli de Belen, Ritz Azul, showbiz newcomer Andie Gomez.

 

Leave a comment

Leave a Reply