May 23, 2025
Ruffa Mae Quinto on ‘Ang 4 Da Best + 1’ in Music Museum; Says, “artist-manager contract is just a sheet of paper.  What matters is, you are mutually happy like a family.”
Faces and Places Latest Articles

Ruffa Mae Quinto on ‘Ang 4 Da Best + 1’ in Music Museum; Says, “artist-manager contract is just a sheet of paper. What matters is, you are mutually happy like a family.”

Feb 27, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

Ruffa Mae QuintoKinumpirma ni Rufa Mae Quinto sa presscon ng comedy show nilang ‘4 Da Best + 1’, na kasama niya rito sina Candy Pangilinan, Ate Gay at Gladys Reyes na wala na siya sa pangangalaga ng Viva since last year pa. Nang mag-lapse ang kontrata niya rito ay hindi na siya nag-renew. Si Shirley Kuan na ang humahawak sa kanyang career ngayon.

“Di ba si Boss Vic (del Rosario) and Shirley, close naman? So kahit na kay Shirley ako, join-join pa rin sila. So parang hindi rin naman ako nawala sa Viva, family ko pa rin naman sila,” sabi ni Rufa Mae sa panayam sa kanya ng Philippine Showbiz Republic (PSR).

Kahit nasa pangangalaga na ni Shirley si Rufa ay wala naman siyang pinirmahang kontrata rito.

“Actually kahit kay tito Boy (Abunda), wala akong kontrata sa loob ng 15 years kaming magkasama.

“Kasi para sa akin, kung ayaw na, kung hindi na masaya, papel lang naman ‘yan, parang ganoon.

“Kaya napakaimportante sa akin dapat ‘yung manager ko, close sa akin, parang family na, ganoon,”

Kung umalis na si Rufa sa Viva, wala naman siyang balak iwan ang GMA 7 para lumipat sa ibang network. Happy siya sa kalgayan niya sa Kapuso network.

“May mga nagsasabing, ‘bakit hindi ka lumipat?’, ganyan-ganyan. Sabi ko, ‘ba’t ako lilipat, eh ang ayos-ayos naman ng ganap namin doon sa GMA-7. Hindi naman ako nauubusan ng projects at ng offers’,”

Ang dahilan naman daw kung bakit hindi siya madalas napagkikita last year sa mga shows ng GMA 7 ay dahil nagkaroon siya ng health problems. Nagkaroon siya ng cyst sa kanyang bust at ipinaopera niya ito.

‘Ang 4 Da Best + 1’ ay gaganapin sa March 13 and 14 sa Music Museum. Ang tickets ay mabibili sa SM Tickets at 470 – 2222 and Ticket World at 891 – 9999. Ang direktor ng show ay si Andrew de Real.

poster_4dabest

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply