
On rumored girlfriend Angeline Quinto: “I love her and I’d like to protect whatever it is that we now have.” –Erik Santos
Kahit maraming nagsasabi na talagang may namumuo nang relasyon kina Erik Santos at Angeline Quinto ay nananatiling tikom ang bibig ni Erik tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Angeline.
“Kasi kung anuman yung nangyayari sa amin ngayon, hindi nahahaluan ng intriga, hindi nahahaluan ng showbiz so mas smooth ‘yung pagsasama namin,” pahayag pa ni Erik.
“Hindi na kasi kami bumabata so mas maganda na we take our time at mas maganda kung lahat ng nangyayari sa amin, bago namin i-disclose sa ibang tao ay amin munang napag-uusapan. Kasi medyo nadala or napaso ako sa mga past relationships ko na parang masyadong naging open sa publiko. Parang ang nangyari tuloy ay madaming nakielam, so this time kung saan man kami dalhin, mas maganda na wala nang halos bahid ng anumang intriga,” paliwanag ni Erik.
Sa mga nakaraang interviews ni Erik, inamin naman niya na exclusively dating sila ni Angeline pero ayaw niyang lagyan ng label ang kanilang relasyon.
“Alam naman natin ‘yun eh. Sinabi na naming meron talagang something special between us na kumbaga hindi naman natin yun dine-deny na we’ve been dating for more than a year and that’s exclusively dating, kumbaga walang iba,” dagdag pa ni Erik.
Pangako pa ni Erik, “Pag may label na yung relationship namin, ‘wag kayong mag-alala, sasabihin ko agad at ako pang mauunang mag-balita sa inyo.”
Ayon pa kay Erik, mahal daw talaga niya si Angeline kaya ginagawa niya ang lahat para ma-protektahan kung anuman ang meron daw sila ngayon.
“Oo naman [mahal ko siya], yes. Siyempre hindi naman ako magtitiis ng ganito kung hindi ko siya mahal.”
Nilinaw din ni Erik ang tungkol sa pagkaka-link niya kay K-La Rivera (dating nobya ni Tom Rodriguez) na napabalitang pinagselosan ni Angeline na ayon sa kanya ay kaibigan niya lang naman daw ito.
“Napag-usapan na namin ‘yun. We’re very close friends ni K-La at siguro nagkaroon lang ng miscommunication somewhere, sa part namin parehas ni Angeline na parang hindi ko kasi nasabi agad sa kanya.”
“Normal naman sa dalawang magkaroon ng selosan so hindi naman maiiwasan, selosa siya, pero naiintindihan ko naman kung bakit nangyari‘yun. Sine-secure ko siya sa kung ano man kami meron ngayon.”
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente