May 25, 2025
Ruru, Kyline put taping mode on
Latest Articles

Ruru, Kyline put taping mode on

Oct 6, 2020

Maraming fans ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara ang napa-sing-along sa latest song cover niya ng “Chasing Cars” by Snow Patrol na ini-upload sa Instagram.

Parang paghahanda na rin daw ito ni Kyline sa pagbabalik-studio ng ‘All-Out Sundays.’ Bilib na bilib naman ang netizens sa kanilang napakinggan at inulan ng positive feedback ang nasabing post.

Sa ngayon ay nakaabang na rin ang mga tagahanga ni Kyline sa pagbabalik ng pinagbibidahan niyang teleserye na ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ sa GMA Afternoon Prime.

*****

Masaya man na back-to-work na ulit, aminado ang Kapuso actor na si Ruru Madrid na may adjustments pa sa kanya sa pagsalang sa taping ngayong “new normal.”

“Napakahirap, sa totoo lang,” kuwento ni Ruru sa GMANetwork.com.

“Kasi ngayon bago tayo magtrabaho o pumunta sa GMA o kaya ng studio, kailangan mo munang magpa-swab. Ang nakakatuwa sa GMA ay iniingatan nila tayong lahat. Bago magtrabaho, swab. Pagdating sa trabaho, kailangan social distancing,” 

Dagdag pa ni Ruru, nami-miss na rin niya ang mga panahon na nakakapag-kulitan pa sila ng mga co-stars niya sa set dahil ngayon ay strict ang social distancing na ipinapatupad sa kanila. 

Napapanood si Ruru sa ‘All-Out Sundays’ tuwing Linggo, 12nn, sa GMA.

Leave a comment