
Ruru Madrid: Avisala Eshma! Avisala Meiste… Hanggang sa muli (‘Till then)
Sobrang nalungkot si Ruru Madrid dahil nagpaalam na sa ere ang show nilang Encantadia. Siya ay gumanap bilang si Ybrahim/Ybarro.
Napamahal na kasi sa kanya ang show at ang mga nakasama niya mula sa cast hanggang sa production crew.
Naging emotional nga siya noong mag-post siya sa kanyang Instagram account. Sabi niya sa kanyang IG post:

“Avisala Eshma sa inyong lahat! E Correi Diu! Sobrang saya ko na naging part ako ng programang ito. Isa lamang itong pangarap dati at masaya ako na nakamit ko ito.
“Di ko akalain na ako ang mapipili upang gumanap sa isang karakter na talagang tumatak sa lahat ng mga manonood noong 2005, ang pagiging Ybarro/Rama Ybrahim. Naaalala ko pa noon na walang nagtitiwala sa aking kakayahan, nababasa ko sa social media.
“Sumama ang aking loob noon at nawalan ng pag-asa ngunit napagtanto ko sa aking isipan na mali na ako’y masaktan kung kaya’t itinuring kong isang pagsubok sa akin ang mga ‘yun at lalo kong pinagbutihan ang bawat eksena na ibinibigay sa akin.
“Kung kaya’t nais kong magpasalamat sa lahat ng mga ‘di nagtiwala sa akin dahil nakatulong kayo sa akin. Nagpapasalamat din ako sa lahat ng bumubuo ng Encantadia magmula sa lahat ng mga artista na itinuring kong aking pamilya sa staff and crew lalong lalo na kay @direkmark na noon palang bago ako ay nagtiwala na sa akin, kay Tita @whr08 sa pagmamahal sa akin na parang nanay ko. Kay Ms. H na inaalagaan kami kahit na hindi namin sya lagi nakakasama.
“Sa lahat ng AleBarro na simula palang hanggang matapos ay di napagod at tumigil sa pagmamahal sa aming dalawa ni @gabbigarcia na kahit wala ng pag asa ay di pa rin kayo sumusuko kaya mahal namin kayo.
“Sa mga YbraMihan na hindi ko akalain na magiging ganito kayo kalakas sa pagsuporta niyo sa amin ni @kylienicolepadilla na umabot pa sa ibat-ibang bansa ang mga member ninyo sa FB Page, sa mga YbraRiana na kahit bago pa lamang ay pinakita niyo na ka agad na minahal niyo ang aming tambalan ni @arrasanagustin.
“Lagi niyo po tatandaan na mahal na mahal ko po kayong lahat na sumuporta sa akin kahit na paiba-iba ako ng katambal.
“At syempre nagpapasalamat din ako sa aking pamilya na mahal na mahal ko at alam kong mahal na mahal din ako na sobra sobra kung suportahan ako at syempre ang pinaka pinapasalamatan ko ang Ama na nasa langit na nagbibigay sa akin ng lakas at buhay at talento na kakailanganin ko lagi sa araw araw.
“Muli AVISALA ESHMA! AVISALA MEISTE! Hanggang sa muli!” — Ruru Madrid.