May 23, 2025
Ryan Agoncillo on his family: “I’ve never been this happy.”
Faces and Places Latest Articles

Ryan Agoncillo on his family: “I’ve never been this happy.”

Dec 16, 2015

by PSR News Bureau

agoncilloQuota na ako. I have Yohan and Lucho. And now we’re expecting another girl, si Juana Luisa whom we’re planning to call Luna,” masayang bungad ni Ryan sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph). Hindi nga maitago ni Ryan ang saya sa mukha nito kahit hindi ito ang unang pagkakataong magiging ama siya. “Matagal din kaming naghintay naman kasi ni Juday [Judy Ann]. Naging project namin talaga na magka-baby muli this year and we’re so happy that we’re blessed to have one again,” pakli ng magaling na TV host.
Ayon pa kay Ryan, nasa plano talaga nila ang magkanak muli lalo pa at hindi na rin naman bumabata silang pareho. Mas mahihirapan kasi si Juday kung maghihintay pa sila ng ilang taon bago muling sundan si Lucho. “Luna is basically a planned baby. Hindi kami tumanggap ng maraming trabaho ni Juday para mas magkaroon kami ng time na magkasama at yun nga, magkaroon ng baby. Kaya nung malaman namin na finally, may baby na kami ulit, walang pagsidlan yung happiness namin as a family,” paglalahad ni Ryan.

Hindi naman daw naging mahirap sa dalawang anak nila na tanggapin na magkakaroon sila ng bagong baby sa pamilya. “My kids are very excited. Gustong-gusto na nilang lumabas si Luna. Lucho is eager na may tatawag na sa kanya ng ‘Kuya.’ Yohan naman is willing to take care imagesand play with Luna. So wala kaming naging problema sa mga bata.”

Kahit naman buntis si Juday ay wala pa rin tigil ito sa pagtatrabaho. In fact, nakapag-launch pa nga ito ng isang personal na cookbook. Habang si Ryan naman ay kabi-kabila rin ang pagtanggap ng mga engagements gaya ng ‘Ismol Family’ at ‘Eat Bulaga’ pati na ang ilang guestings at TV hosting jagoncillo-family-16obs. Mahirap mag-juggle ng mga trabaho. Pero mapupuri mo rito ang mag-asawang Agoncillo. Kahit kasi parehas silang workaholic, palagi pa rin nilang inuuna bilang prayoridad ang kanilang pamilya.

“I’ve never been this happy in my life. Juday and I make sure we have time for the kids. Mabilis lang ang panahon, the next thing you know, malalaki na sila and no matter what you do, hindi mo na kayang ibalik yung nakaraan. So we cherish each moments we had with them. Habang nandito pa kami, malakas pa kami, we’ll be here for them.”
Sa nalalapit na pagdating ng bunso ng mga Agoncillo, hangad ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) na maging maluwalhati ang panganganak ng Young Superstar.

Leave a comment

Leave a Reply