Sam Concepcion evades queries on Brian Poe Llamanzares and Jasmine Curtis meet up
by PSR News Bureau
Hindi mapilit ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) ang singer-actor na si Sam Concepcion na magbigay ng pahayag tungkol sa napabalitang pagkikita nina Brian Poe Llamanzares at ng kanyang ex girlfriend na si Jasmine Curtis-Smith kamakailan lang sa isang press conference. Si Brian ay anak ni Senadora Grace Poe na nagpahayag ng espesyal na pagtingin kay Jasmine.
“I heard about it, but I know nothing about it,” pahayag ni Sam. “I also don’t want to comment on it, pakiusap pa ng singer-actor.
Pero magkakasamang muli sila ng ex girlfriend dahil parehas silang bahagi ng ‘No Filter 2.0,’ isang bagong play mula sa produksiyon ng The Sandbox Collective sa ilalim ng direksiyon ni Toff De Venecia.
Makakasama ni sam bilang bahagi ng cast sina Paolo Valenciano at Carla Humpries. Masaya rin si Sam na magkakasama sila ngayon ni Jasmine sa ‘No Filter 2.0’ bilang ka-alternate niya. Lubos nga ang pasasalamat ni Sam kay Jasmine nang makumpirma niya na ang dating kasintahan ang pumili sa kanya at nagrekomenda na maging ka-alternate nito.
“Hindi ko alam iyon. I only found out about it during the rehearsals na. I’m really glad that she suggested and chose me to be her alternate. I’ts very flattering because I respect her as an artist.”
Maliban kina Jasmine at Sam, kabilang din sa original cast na nagbabalik sa rerun sina Lauren Young, Saab Magalona-Bacarro, Mikael Daez, Micah Munoz, Cai Cortez, Sarah Facuri at Khalil Kaimo.
Mapapanood ang ‘No Filter 2.0’ simula Oktubre 3 hanggang oktubre 25 sa Power Mac Black Box Theater sa Circuit Makati.