May 23, 2025
Sam Milby admits admiration for Yassi Pressman
Latest Articles

Sam Milby admits admiration for Yassi Pressman

Mar 1, 2018

Unang nagsama sa pelikulang “Camp Sawi” sina Sam Milby at Yassi Pressman.

Pero hindi sila ang magkatambal dito. At nagkasama lang sila sa iisang eksena kaya hindi sila nagkaroon ng chance na makilala nang husto ang isa’t-isa.

Pero sa “Ang Pambansang Third Wheel,” na launching movie ni Yassi, ay magkatambal na sila ni Sam.

Si Sam ang leading man niya rito. Kaya naman marami silang eksena together. Sa presscon ng nasabing pelikula, tinanong ang dalawa kung ano ang na-discover nila sa isa’t-isa since lagi na silang magkasama sa mga eksena.

Sabi ni Yassi, “Na-discover ko po kay Sam,tahimik po pala siya, Sa totoong buhay, very nice. Gusto niya na busog po kaming lahat sa set. Very caring. Wala akong masasabing masama tungkol kay Sam kasi very sincere po siya sa lahat ng tao, ayun.”

Sinang-ayunan naman ni Sam ang sinabi ni Yassi tungkol sa kanya na tahimik siyang tao, “Yes totoo, medyo introvert ako, so I can be quiet sometimes.”

At ang masasabi at na-discover naman niya kay Yassi ay kabaligtaran niya raw ito, “Si Yassi, opposite ko siya, extrovert, and I like that. She’s full of energy. She loves to dance. Although dancer siya, she loves to sing. She sings all the time, kahit madaling araw.  Grabe ang energy niya. She really gives a lot of energy sa set.”

Sa tanong naman kay Sam kung attracted siya kay Yassi, ang sagot niya ay, “Yes, of course, attracted ako sa kanya. Kasi nung Metro Manila Film Festival before, mayroon siyang ginawang movie, nakita ko siya. Crush ko siya.”

Sa sinabing ito ni Sam na crush nya si Yassi, ay kinuha naman ang reaksyon dito ng dalaga.

At tinanong rin siya na paano kung ligawan siya ni Sam since pareho silang single ngayon.

Ang natatawang sabi ni Yassi, “Hindi niya po ‘yan sinabi ever sa akin. Ngayon po kasi, sobrang focus po talaga ako sa work. Saka siya rin po, focus rin siya sa sarili niya. Ang dami-dami po kasing blessings na dumarating sa buhay ko ngayon. Matagal ko rin pong hinintay ‘yung mga pagkakataon na dumarating sa akin.

“Ayoko rin naman po siyang sayangin na mahati ‘yung atensiyon ko. Mahirap din naman po kasi na half lang ‘yung mabibigay mo rito, half lang dito. 

“More of a giver po kasi ako bilang isang tao. So, gusto ko po pag nagbigbay ako, buong-buo. So maybe not now po.”

received_10156389345091424

Showing na sa March 7 ang “Ang Pambansang Third Wheel” mula sa Viva Films at IdeaFirst Company.

Leave a comment