
Sam Milby claims ‘Anne Curtis is my greatest love’
By: PSR News Bureau
During a recent episode of Gandang Gabi Vice, natanong si Sam Milby kung bakit hanggang ngayon ay nananatili itong single at walang girlfriend. Matagal na panahon naman na magmula nang may huli itong nakarelasyon na alam ng publiko, ito ay noong naging magkasintahan pa sila ni Anne Curtis. “Nag-date date ako, pero na-realize ko, hindi pa ako ready. It was a hard breakup for me. Minsan parang ‘yung feeling mo na, ‘Okay na ako, nag-move on na ako.’ Tapos nakita mo siya,” paliwanag ni Sam. “She’s my greatest love until now, pwedeng sabihin ‘yan, but I don’t think she’s the one that got away kasi ‘yung parang…First off, alam ko na happy na happy siya, and ako, I realized that I’m okay kasi alam kong happy ako para sa kanila [ni Erwan Heusaff, boyfriend ni Anne],” saad niya.
“Si Anne naman kasi yung taong hindi mo basta makakalimutan. We’ve parted off as friends din naman kasi. And ako, I’m quite torpe talaga when it comes to girls, and maybe that’s also one of the reasons why I’ve remained single until now. But it doesn’t necessarily mean to say that I have not moved on. I did a long time ago. Kaya lang, wala pa lang talaga,” Sam revealed.
Hindi naman daw mahirap para sa tulad niya ang ma-inlove. Hindi rin naman daw siya masasabing ‘choosy’ pagdating sa mga babae. Pero aminado si Sam na hindi kasi niya priority ngayon ang paghahanap ng bagong pag-ibig. “If it comes, it comes. Ayoko ng ipinipilit or pine-pressure ako.”
Basta ang panigurado niya, kapag nakatagpo na siya ng babaeng muling mamahalin, it will be worth his wait. Bigay-todo rin daw kasi si Sam kung magmahal. Kaya’t sinuman ang maging lucky girl, hindi ito magsisisi sakaling mahalin niya si Sam.