May 21, 2025
Sam Verzosa surprises Rhian Ramos
Latest Articles

Sam Verzosa surprises Rhian Ramos

Mar 6, 2025

Ang new lifestyle and travel show ni Rhian Ramos titled ‘Where in Manila’ ay magsisimula na this Saturday, 11:30pm. Ito’y hatid ng TV8 MEDIA at mapapanood sa GMA 7.

Happy ang Kapuso actress na nabigyan ng ganitong show dahil siya raw ay mahilig mag-travel at dahil sa show ay magagawa niyang mapuntahan ang iba’t ibang magagandang lugar sa Manila.

Ang Where in Manila ay magsisilbing ultimate guide sa pag-explore sa Metro Manila, lalo na sa capital city nitong Manila. Masaya ang show and napaka-informative at makikita rito ang best restaurants at iba pang kainan, the trendiest hang-outs, and must visit destinations sa Maynila.

Ang naturang show ni Rhian ang papalit sa public service show na ‘Dear SV’ ni Sam Versoza na kailangang pansamantalang magpahinga sa kanyang show dahil kandidato ito bilang mayor ng Manila.

Sa ginanap na media launch nito sa Winford Resort and Casino, Manila, naikuwento ni Rhian kung paano nagsimula ang concept ng kanyang bagong TV show.

Aniya, “Nanggaling talaga ang concept ng show sa mga kuwento ni SV (Sam Versoza) sa akin kapag may napuntahan na naman siyang lugar, Tapos, may ipapadala siyang video or picture or pagkain from that place. Ayun, parang I just wished it was me out there exploring, kasi ang dami pang unknown places na hindi ko pa na-discover.

“It’s very known naman na I love to travel, I love new experiences, tasting things that I’ve never eaten before, seeing places I’ve never been before. Pero who knew that there’s so much to be seen and celebrated just in our backyard which is in Metro Manila?”

Dagdag pa ng aktres hinggil sa kanyang bagong show, “I am so excited to be hosting this show. It’s not just going to be an experience and a learning experience for our audience, pero siyempre para sa akin din.

”We call it Where In Manila, but it’s actually covering the whole Metro Manila. Of course, this is our capital, it’s the capital of the Philippines and so much can be found here.”

Unang shoot pa lang ay nag-enjoy na siya at maraming first time na na-experience rito.

Masayang sambit ni Rhian, “In our first shoots pa lang, I’ve been able to have a lot of first time experiences also. I just want to help to celebrate with our audience what can be found dito mismo sa Pilipinas.”

Present si SV sa naturang launching dahil sinorpresa niya ang GF na si Rhian, with matching dala pa siyang bouque of flowers para sa aktres.

Ipinahayag naman dito ni SV na mahal niya ang Dear SV kaya lang ay kailangan muna niya itong iwan sa ngayon dahil sa pagtakbo bilang Manila mayor.

Aminadong mami-miss daw niya ang mga ginagawa sa show at ang pagtulong niya sa mga nangangailangan, lalo na sa mga Manilenyo.

Naniniwala rin si Sam na sa pamamagitan ng Where in Manila ay maipakikita pa ang tunay na ganda ng lungsod at makatutulong din ito sa mga maliliit na negosyante, para mai-promote ang kanilang mga establishment.

Sinabi rin dito ni Sam na hindi naman tuluyang mawawala ang Dear SV. Tuloy-tuloy pa rin daw ito sa social media, mawawala lang ito ng ilang buwan sa TV.

Leave a comment