May 22, 2025
Sancho delas Alas gets acting tips from his mom
Latest Articles

Sancho delas Alas gets acting tips from his mom

Oct 24, 2016

First indie film ng Kapuso actor na si Sancho de las Alas ang pelikulang “Area” ng BG  Films na nanalo ng prestihiyosong Special Jury Prize sa 12th Eurasia International Film Festival sa  Almaty, Kazakhstan.

Challenging din ang role ni Sancho sa pelikula kung saan napansin ang potensyal niya bilang isang magaling na character actor.

“Ako si Duman, kanang kamay ni Allen. Isa akong bugaw dito. Isa ako sa namamamahala sa casa”, panimula niya.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nakatrabaho niya sa isang pelikula ang ina at Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

“Medyo na-pressure ako. Siyempre, iyong mga kasama ko, hasa na at mga batikang aktor at aktres. Ang pressure for me is kung paano makikipagsabayan sa kanila pero kahit papaano naman, nakasabay ako sa kanila”, pahayag niya.

Aminado rin siyang binigyan siya ng ina ng ilang pointers sa kanyang pagharap sa kamera.

“Bago kasi ako sumalang, sabi niya, “Anak, magdasal ka muna at kung wala kang ginagawa, mag-aral ka ng lines mo. Huwag mong asahan na may aalalay sa iyo. Pagbutihin mo because you’re on your own”, ani Sancho. “Nagbibigay din siya ng feedback kung okay ba ang ginagawa ko. Kung kulang, sinasabi niya, kung sobra naman, nag-a-advise siya na bawasan nang konti. Hands on siya at laging pinapanood ang ginagawa ko kung paano ako magtrabaho”, dugtong niya.

Puring-puri naman niya ang ina sa tinanggap nitong karangalan bilang Papal awardee.

“Na-shock ako sa Papal award. Akala namin, simpleng award lang siya. Noong ni-research namin, ibang klase pala siya. Hindi lahat nabibigyan ng ganoong klase ng parangal kaya proud ako sa kanya”, deklara niya.

Ang pagtanggap ni Ai Ai ng nasabing award ay isang hamon din sa kanya.

“Medyo, kailangan din akong maging model tulad ni Mama”, pakli niya.

Hindi rin ikinaila ni  Sancho na nagkaroon ng miscarriage ang kanyang girlfriend na si Shanna Retuya.

“Actually, excited na akong maging daddy. Excited na ring maging lola si Mom. Lahat kami, iniintay na lang iyong baby, but nagkaroon nga ng miscarriage. Siguro, hindi pa time for us to have a baby. Ipon muna tayo. Nagre-ready pa nang sobra para sa baby”,  bulalas niya.

Dagdag pa niya, nakaka-cope na raw siya sa pagkawala ng kanilang panganay ni Shanna.

“Medyo ok na ngayon. Medyo nakakalungkot iyong pangyayari but we have to move on . Ini-enjoy ko iyong kami at saka iyong family. Family time na rin”.

Hindi raw naman tutol ang kanyang ina sa pakikipag-live in niya sa kanyang non-showbiz girlfriend.

“Napag-usapan naman namin iyon. Plano talaga naming magpakasal. Pero hindi ngayon dahil masyado pang maaga. Noong nabuntis siya, dapat ikakasal na kami pero hindi nga natuloy iyong baby. So, concentrate muna kami sa work at ipon-ipon muna kami”.

Wala ring tutol si Sancho kung sakaling magpakasal si AiAi sa kanyang boyfriend na si Gerald Sibayan.

“Wala pang exact date na magse-settle down si Mom. Si Gerald naman, gusto na rin niya. Okay naman sa akin dahil gusto rin na may mag-aalaga kay Mom”, tsika niya.

Nagbo-bonding din daw sila ni Gerald bilang magkaibigan.

“Kasama ko siyang madalas mag-firing kaya okay naman kami”, pagwawakas niya.

Kabituin ni Sancho sa “Area” sina Ai Ai delas Alas, Allen Dizon, Sue Prado, Sarah Brankensiek, Tabs Sumulong, Irene Cervantes, Francisco Guinto, Cecile Yumul, Eurocina Pena at marami pang iba.

Mula sa BG Films ni Ms. Baby Go, ang “Area” na idinirehe ng award-winning director at scriptwriter tandem na si Louie Ignacio at Robby Tantingco ay mapapanood na sa lahat ng mga sinehan simula sa Nobyembre 9.

un1named

For  your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

Leave a comment