
Sarah Geronimo mesmerized with her new leading man Piolo Pascual
by PSR News Bureau
Mesmerized ang Popstar Princess sa bago nitong leading man na si Piolo Pascual habang ginagawa nila ang kanilang unang pelikula kung saan ito ang unang beses silang nagtambal. Ang naturang pelikula ay may tentative title na “The Breakup Playlist.” May video ang dalawa kung saan makikita silang kumakanta habang nahuli ni Sarah na nakatingin sa kanya si Piolo. Sabi nga ni Sarah sa isang eksena sa nasabing video, “Ang hirap naman nitong pinapagawa ninyo,” habang tumatawa ang Popstar Princess. Matatandaan na ito rin ang pelikula kung saan sinabi ni Sarah na handa siyang gumawa ng ‘kissing scene’ dahil si Piolo ang kanyang leading man.
Ang “The Breakup Playlist” ay kuwento tungkol sa isang gusting maging isang propesyonal na mangaawit at isang rock singer na nag-collaborate sa isang awitin. Habang ginagawa nila ang naturang kanta, dito sila nagkaroon sila ng magandang pagtitinginan.
Ito ang magsisilbing follow-up sa box office film ni Sarah noong 2013 na “It Takes a Man and a Woman” na pinagtambalan nila ni John Lloyd Cruz habang ito naman ang pagbabalik ni Piolo Pascual sa pinilakang tabing matapos niyang gawin ang Starting Over Again noong 2014 katambal si Toni Gonzaga.
Ang The Breakup Playlist ay sa ilalim ng direksiyon ni Dan Villegas, ang nanalo ng Best Director para sa 2014 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang “English Only Please.”