
Sarah Geronimo seen in Balesin Island wearing boyfriend’s t-shirt
by PSR News Bureau
Mabilis na nakilala ang pribadong isla ng Balesin hindi lang dahil sa maraming naging konek nito sa mga taga-showbiz. Ito ang nagsilbing venue para sa naging kasal nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, pre-nup pictorial nina Patrick Garcia at Nikka Martinez, at nitong huli nga ay nababanggit ang Balesin Island dahil sa “yaya meal” issue ng nasabing pribadong isla na naging viral sa social media na isiniwalat ng dating aktres at beauty queen na si Maggie Wilson-Consunji.
Pero bago pa man naiugnay ang pangalan ng Balesin Island sa isang negatibong issue, ito na ang naging paboritong getaway ng mga artistang nais mag-relax at maranasan ang pagiging isang ordinaryong mamamayan. Sa islang ito lang kasi maaaring maramdaman ng mga sikat na artista ang tinatawag na privacy. Sa Balesin Island din nakitang magkasama nitong nakaraang Semana Santa sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Pero alam ba ninyong nandoon rin ang pop princess na si Sarah Geronimo na nagbakasyon kasama ang ilang kaibigan nito?
Mga barkadang babae ang kasama ni Sarah sa bakasyon na ito. Kasama sa ilang kaibigan ng pop princess si Teacher Georcelle ng G-Force. Makikita ang mga larawan ni Sarah sa kanyang Balesin Island getaway sa kanyang Instagram account. Ayon sa pop princess, sobrang nag-enjoy daw siya sa horsebackriding. First time daw niya kasing mangabayo.
Hindi sigurado ang Philippine Showbiz Republic (PSR) kung nakasama ni Sarah ang nobyong si Matteo Guidicelli pero mayroon kasing isang fan na nakapansin na suot ni Sarah ang isang kulay orange na t-shirt na nakitang naisuot na ni Matteo sa isang triathlon event. Hindi man niya kasama ang nobyo sa nasabing trip, dahil sa suot niya ang damit nito, parang nakasama na rin ng pop star princess ang kanyang boyfriend. Maaari rin naman na hindi na nagpa-picture pa ang binata kung kasama man niya ito upang hindi na mag-alala pa si Mommy Divine o maging issue pa ang nasabing bakasyon.
Pero sa ganda ng Balesin Island, mas maganda nga naman na kasama ni Sarah ang nobyo niya, hindi ba? Kayo na ang bahalang humusga dear readers, kasama nga kaya o hindi ng pop star princess ang nobyo nito sa nasabing bakasyon? Your guess is as good as ours.