May 24, 2025
Sarah Javier gears up for Mrs. Universe PH pageant, promotes new song
Latest Articles

Sarah Javier gears up for Mrs. Universe PH pageant, promotes new song

Aug 10, 2021

Si Sarah Javier ay dating member ng That’s Entertainment ni German Moreno. Mula sa kilalang youth oriented TV show, nakagawa na siya ng pelikula, teleserye, at isa ring recording artist.

Pahayag ni Sarah, “Monday group po ako sa That’s Entertainment, batch 1994. Kasama ko po rito sina Mayor Isko Moreno, Harlene Bautista, Melissa Gibs, Glydel Mercado, Charo Laude, Isabel Granada, Ruben Manahan, at iba pa.”

Hinggil naman sa kanyang single, nalaman namin na bukod sa kanyang taglay na beauty, ay sadyang talented si Ms. Sarah dahil siya mismo ang nag-compose nito.

Aniya, “Ako po mismo ang nag-compose ng Ihip Ng Hangin at ang musical arranger ko po ay si Mr. Elmer. Blancaflor.

“Ang kantang ito ay hango po sa pandemya natin ngayon. Na mula po noon na nagsisimula pa lang ang pandemic, ang daming nabigla, maraming hindi po handa. Maraming tao po na bago pa man dumating ang krisis na ito ay hirap na sa buhay, na lalong dumoble buhat po nang nagka-lockdown.

“Maraming nawalan ng trabaho, marami pong apektado, kaya po ang kantang iyon ay patuloy sa pagdalangin na araw-araw tayong manalangin na ang hirap ng buhay ngayon ay parang isang hangin na dadaloy lang at lilipas din, basta manalig ka lang na may Panginoon na handang dumamay at tulungan ka,” mahabang lahad ni Ms. Sarah.

Bukod sa Ihip Ng Hangin, may iba pang na-compose at na-record na kanta si Ms. Sarah.

Sa darating na September 4, kabilang si Ms. Sarah sa kalahok sa Mrs. Universe Philippines 2021.

Siya ang pambato ng Cavite at kabilang sa 18 delegates from different cities and provinces ng naturang beauty pageant na magtatagisan ng ganda at talino. Ito ay gaganapin sa Okada, Manila.

Si Ms. Charo Laude ang National Director ng Mrs. Universe Philippines 2021. Ang mananalo rito ay kakatawan sa bansa sa Mrs. Universe 2021 na gaganapin sa South Korea.

Parte ng preparasyon ni Ms. Sarah sa naturang beauty pageant ang pagda-diet, tamang paglalakad, ang kanyang advocacy, at paghahanda sa Q & A portion nito.

Nalaman namin kay Ms. Sarah na ang kanyang advocacy ay mental health awareness.

Bakit ito ang kanyang naging advocacy?

Esplika niya, “Napili ko po ang advocacy na ito dahil may pitak sa puso ko po ito… bukod sa napapanahon po tito sa ngayon ang nakakaranas ng mental disorder dahil po sa pandemic, sa kawalan ng mga pinagkakakitaan, mga iba’t ibang depresyon, lalo na po sa mga young adults ngayon… ay na experience po ng aming pamilya.

“Kung ito po ang magiging dahilan ng pagtulong ko sa kapwa, ang i-share po sa kanila ang naranasan po namin para makatulong ay gagawin po namin, just to save lives po talaga. Iyon po ang intesyon ko and to stop the stigma … na ang isang may mental illness ay parang isang physical illness din, na kung mabibigyan ng kaukulang gamot ay gumagaling ito.”

Dagdag pa ni Ms. Sarah, “Sa ngyon po ay kasisimula ko lang po tito sa advocacy na ito, at marami pa po akong dapat malaman at alamin. Salamat po sa tulong ng Cavite Center for mental health at sila po ang org na napili ko pong tulungan.”

Leave a comment