May 25, 2025
Saranggani Representative Manny Pacquiao aims to run for senate in 2016
Home Page Slider Latest Articles

Saranggani Representative Manny Pacquiao aims to run for senate in 2016

Oct 6, 2015

psr ad

By: PSR News Bureau

Philippines Pacquaio Homecoming Nagpahayag na ng kanyang balak at planong pagtakbo sa mas mataas na katungkulan sa gobyerno si People’s Champ at Saranggani representative Manny Pacquiao. Nilinaw ng kongresista na nais niyang tumakbo bilang isang senador sa nalalapit na eleksyon sa taong 2016. Bagamat hindi pa sinasabi ni Congressman Pacquiao kung saang partido siya aanib sa nalalapit na halalan, sinabi nito ang kanyang hangad na mas mapaglingkuran ang sambayanang Pilipino.

Sinabi ni Rep. Pacquiao ang kanyang hangarin habang nagbibigay ito ng talumpati kaugnay ng kanyang State of the District address. Binanggit din ni Cong. Pacquiao na suportado siya ng kanyang kabiyak na si Vice Governor Jinkee Pacquaio sa kanyang naging desisyon na tumakbo bilang senador. Ibinigay na rin ni Mommy Dionisia ang kanyang basbas sa plano ng kanyang anak. Nakahanda din naman siyang magbigay ng suporta rito.

MAng ginawang pag-deklara ni Rep. Pacquiao ay umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa social media. Ang ilan ay natuwa samantalang yung iba ay tila nadismaya. Wala raw sapat na kakayahan si Rep. Pacquiao para maging senador kahit pa base sa ilang surveys na malaki ang posibilidad na makasama siya sa tinaguriang ‘Magic 12’ na malakas ang hatak sa tao at makapapasok sa senatorial seat.

Samut’ sari ang naging reksyon ng sambayanan sa ginawang pag-anunsyo ni Rep. Pacquiao kaugnay ng kanyang kandidatura sa pagiging senador. May ilang nagsabi na hindi nga magawang maka-attend ni Rep. Pacquiao sa mga session ng congress, paano pa niya magagawa kapag ganap na siyang isang senador? Ang iba naman ay nagsabi na bagamat idolo nila kung ituring si Manny sa ring bilang isang magaling na boksingero, hindi sila sangayon na maging senador ito.

Leave a comment

Leave a Reply