June 14, 2025
Scared of guns, Jean Garcia had to kill
Latest Articles

Scared of guns, Jean Garcia had to kill

Aug 28, 2019

(PHOTO: Jean Garcia with ‘Watch Me Kill’ director Tyrone Acierto)

Sumabak na rin sa aksyon ang magaling at award-winning actress na si Jean Garcia sa pelikulang “Watch Me Kill” na kalahok sa ikatlong edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino na gaganapin ngayong Setyembre. 

Katunayan, first time raw niyang gumawa ng action-thriller na siya ang bida.

“Dati kasi, I’ve done action movies in the past but my role usually is the wife of the action star. I was never the one doing the stunts,” aniya.

Hindi rin niya ikinaila na noong mabasa niya ang iskrip ng pelikula ay naging interesado na agad siya sa kanyang role. 

Ito rin daw ang kauna-unahang pagkakataon na gaganap siya ng nasabing mapanghamong papel na never pa niyang nabigyang buhay in her entire acting career.

“Ako si Luciana, isa siyang contract killer. Trabaho niyang pumatay nang may bayad. Hindi siya pumapatay dahil gusto niyang pumatay. Kumbaga, pumapatay siya dahil may nagbabayad sa kanya para pumatay. Wala siyang emosyong tao. Hindi siya nakikisalamuha kahit kanino. Wala siyang kaibigan o walang kinikilalang kaibigan. Wala  rin siyang pakialam sa paligid niya, sa mga tao sa paligid niya. Iyon ang everyday life niya.  Cold blooded siya, walang emosyong tao,” kuwento niya.

Thankful din si Jean na sa edad niyang 50 ay nabibigyan pa siya ng lead role.

“Honestly, hindi ako ang unang ikinunsider rito. For me naman, it doesn’t matter kung first pick ka, o second pick. Ang importante, ikaw ang gumawa ng pelikula. Nagustuhan ko kasi iyong story kasi never pa akong nakakagawa ng ganitong klaseng character. Sa edad ko ring ito, at 50, gusto ko ring  i-challenge ang sarili ko na kaya kong gawin ang ganitong klaseng pelikula. Gusto ko ring ma-experience na maidirek ng isang direktor na nag-aral talaga sa Amerika,” aniya.

Bilang paghahanda sa kanyang role bilang assassin, nag-immerse raw siya sa kanyang karakter at sumailalim sa intensive training sa combat at ammunition.

“Ako kasi ‘yung tao na takot ako sa mga baril. Takot akong masugatan. Takot pero [during the shoot], nag-enjoy naman. All in all, we had two weeks of training. One week of that is for the fight scenes lang and paano bumaril,” pagbabahagi niya.

Nagkaroon din siya ng mga galos habang ginagawa ang mga mahihirap na eksena sa nasabing obra ni Acierto.

“Na-realize ko, ang hirap talaga palang gumawa ng action thriller. Kailangang bukod sa buo ang loob mo ay handa ang katawan mo,”pahayag niya.

Pagbabahagi naman ng director nitong si Tyrone Acierto na nagtapos sa Columbia College Chicago, ang “Watch Me Kill” daw ay shot in 16mm camera na para sa kanya ay isang challenge sa panahong uso na ang digital.

Hirit pa niya, nakatulong daw ang paggamit niya nito para maipalabas niya ang gusto niyang tone, mood at texture ng pelikula na ang post-production ay ginawa pa abroad.

Si Tyrone Acierto ay unang nakilala sa  pelikulang “The Grave Bandits” na nagwagi ng best director at best feature film sa New Wave film category ng 2012 Metro Manila Film Festival at naipalabas din sa Marche Du Cannes sa Cannes film market.

Kasama rin niyang collaborator sa exciting PPP entry na ito ang internationally acclaimed cinematographer na si Marcin Scocinski.

Iprinudyus ng Cine Bandits Entertainment, nasa cast members din sina Jay Manalo, Junyka Santarin, Althea Vega, Bodjie Pascua at Rodolfo Muyuela.

Leave a comment