May 22, 2025
Sean De Guzman finally gets his spot at Viva
Latest Articles

Sean De Guzman finally gets his spot at Viva

Jan 24, 2021

Hindi pa man naipapalabas ang pelikulang Anak Ng Macho Dancer mula sa Godfather Productions ni Joed Serrano, at sa direksyon ni Joel Lamangan, ay maingay na ito.

Kumbaga, pinag-uusapan na ito. Ito ay dahil may daring scenes ang bida rito na si Sean de Guzman, at ganu’n din ang ilan sa cast na sina Miko Pasamonte, Mhack Morales, Ricky Gumera at Charles Nathan. 

Ang isa sa daring na ginawa ni Sean sa nasabing pelikula ay ang orgy scene niya with Miko and Ricky.

Nang kamustahin namin kay Sean ang orgy scene nila, ang natatawang sabi nito, “Basta panoorin na lang nila ang Anak Ng Macho Dancer. Abangan nna lang nila.”

Kamusta naman ang kissing scene nila ni Jay Manalo? 

“Basta abangan na lang nila. Sobrang grabe ‘yung ginawa namin ni Jay Manalo.”

Hindi ba siya nailang sa mga ginawa niyang daring scenes sa pelikula?

“Hindi naman po. Kasi ‘yung unang movie na ginawa ko, ‘yung Lockdown, may daring scenes na rin ako roon.”

Samantala, isa nang Viva artist si Sean matapos niyang pumirma ng kontrata sa kumpanyang pag-aari ni Vic del Rosario.

“Sobrang thankful ako kay Boss Vic sa opportunity na binigay niya sa akin para maging Viva artist.”

Sa pinirmahang kontrata, 12 movies ang nakatakdang gawin ni Sean sa Viva. Next month ay uumpisahan niya nang gawin ang unang pelikula niya rito.

“Bawal pa pong sabihin kung ano ‘yung unang movie na gagawin ko sa kanila.”

Si Sean ay nasa pangangalaga ng 3:16 Events and Talent Management ni Miss Len Carrillo.

Leave a comment