May 22, 2025
“It’s enough for me to be loved and liked, award is just a bonus” – Sef Cadayona
Latest Articles

“It’s enough for me to be loved and liked, award is just a bonus” – Sef Cadayona

Jan 10, 2015

john@fontanilla

by John Fontanilla

sef and bossing copy 1Kahit hindi nanalo sa MMFF 2014 Best Supporting Actor ang 2014 Star awards for Television Best comedy Actor na si Sef Cadayona sa mahusay nitong performance sa episode na Prinsesa sa MMFF 2014 movie na Bossing Adventure ay marami namang nakapuna sa husay nitong komedyante.

“Nakakatuwa kasi kahit hindi ako nanalo for best supporting actor sa Metro Manila Film Festival marami ang nagsasabing mahusay yung pag ganap ko sa Prinsesa Episode ng Bossing Adventure.

“Sa akin kasi yung ma-nominate lang ako masaya na ako, yung manalo ako bonus na lang yun.

“Tsaka ako naman hindi ako nag e-expect na mananalo, kasi marami kami at magagaling din naman ang mga nominado .

“Basta magustuhan lang ng mga manonood yung ginawa ko masaya na ako.

Thankful si Sef kay Bossing Vic Sotto at isinama siya sa said movie. “Nagpapasalamat ako kay bossing Vic kasi isinama niya ako sa pelikula at ipinagkatiwala niya sa akin yung role ko sa Prinsesa.

“Malaking bagay sa akin ang makasama si Bossing Vic kasi marami akong natututunan sa kanya.

New Projects “Bukod sa mga regular shows ko (Sunday All stars, Vampire ang Daddy Ko, Bubble Gang) kasama na rin ako sa Manny Pacquiao Sports Science .

“Masuwerte ako kasi kasama ko dito ang Peoples Champ na si Kuya Manny,

“Nung nalaman ko ngang makakasama ko siya sa show hindi ako nakatulog dahil sa sobrang excitement.

“Para akong naka-jackpot hahaha, kasi Manny Pacquiao yata ang katrabaho ko.

“Nung nakasama ko siya sobrang bait niya, hindi niya ipaparamdam sayo na sobrang sikat siya napaka humble at mabait talaga.

Wish ko for 2015 “good health, yun ang isa sa wish ko sa akin at sa pamilya ko.

“Sana magtuloy-tuloy ang trabaho ko at mas magustuhan ng mga tao yung mga proyektong ginagawa ko.” pagtatapos ni Sef.

Follow me…

social networkingJohn Fontanilla
iamjohnf

Leave a comment

Leave a Reply