
SEMANA SANTA
By Rommel Placente
Semana Santa. Ito ang araw ng paggunita natin sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng ating Dakilang Manunubos na si Hesukristo. Kapag sumasapit ang Dakilang Araw na ito, ang iba sa atin ay nagbibisita-Iglesia, nagpupunta sa beach, nag-i-station of the cross, nagpepenitensiya na hindi kumakain ng karne. Tinanong ko ang ilan sa mga hinahangaan ninyong artista dear readers kung nasaan sila sa Mahal na Araw at kung paano ba nila ito ginugunita o isinasagawa. Narito ang kanilang mga kasagutan.

Lani Mercado: “This Holy Week, we have decided to spent it with Sen. Bong. We normally take vacations during this time but we would like to value our time in prayer with the family. This is a time to reflect on how we could deepen our relationship with our Lord Jesus Christ. Celebrate His victory on the cross for without Him we will not be saved.”

Jed Madela: “Umuuwi ako ng Iloilo at pumuunta kami ng pamilya ko sa isla namin sa Guimaras. Doon kami nagse-Semana Santa taon-taon kasi tahimik at malayo sa maraming tao. Tamang-tama ang lugar na yun para magmuni-muni at mag-reflect sa relasyon natin sa Diyos.”

Ara Mina: “Usually dito lang kami sa Manila, naglilinis kami ng bahay, nag-aayos kami ng mga gamit. Tapos we go to church. Minsan namanb nag-a-out of town and out of the country,”
Jeric Gonzales: “Kapag Mahal na Araw nagpupunta kami ng Calambaa at Quezon, nagbibisita-Iglesia ako with my family. And then nagbi-beach sa Sunday ng pagkabuhay,”
Meg Imperial: “Dalawang araw akong magi-i-stay sa Caramoan then babalik ako sa Naga para asikasuhin ang Pabasa at business kong Timeless Beauty Salon and Spa,”