
Sen. Chiz explains why he believes his relationship with Heart will last
Ilang araw na lang at magaganap na ang kasalang Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club at ramdam na ramdam na ng dalawa ang excitement. Feeling nga raw ni Sen. Chiz ay first time siyang ikakasal. Matatandaang na-annul ang kasal nito kay Christine Flores kung saan any mayroong silang dalawang anak.
Sa live interview ni Senator Chiz sa pilot episode ng “3 in 1” ng ABS-CBN, hosted by Karen Davila and K Brosas ay naitanong sa kanya why he believes his relationship with Heart will last, considering the end of his previous marriage.
“Una sa lahat, lahat ng kinakasal… Wala namang 100 porsyento,” sagot nito.
Bahagi ‘yon ng pag-aalam na tunay na mahal mo dahil hindi ka sigurado. Kung sigurado ka, hindi mo kailangan mahalin.”
Paliwanag pa nito, “Sigurado kang uubra, eh, sigurado kang tatagal, sigurado ka sa lahat. E ‘di walang reason kung walang panganib na hindi gumanda ang resulta
At nang tanungin kung ano sa tingin niya ang kanyang naging pagkakamali sa kanyang past relationship sagog nito, “Palaging meron. Pangunahin na siguro, hindi ako pinalaking sweet o affectionate.”
Samantala, inaasahang big event ang wedding na ito at siguradong dadalo ang mga naglalakihang pangalan mula sa mundo ng pulita at showbiz. Wala pa rin daw definite place kung saan sila magha-honeymoon pero kino-consider daw nila ni Heart ang bansang Japan.
To Senator Chiz and Heart, best wishes and congratulations from your Philippine Showbiz Republic (PSR) family!
Follow me…
Mary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9