
Sen. Tito Sotto and Helen Gamboa still mum on daughter Ciara Sotto broken marriage
Mabilis kumalat sa social media at maging sa mundo ng showbiz ang pag-aalsa balutan na ginawa ni Ciara Sotto, ang bunsong anak ni Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa nang iwan nito ang kanyang asawang si Jojo Oconer bitbit ang nag-iisa nilang anak na lalaki. Muling bumalik si Ciara sa kanlungan ng kanyang pamilya dahil sa sinasabing matinding sakit ang idinulot umano ng kanyang asawa.
Nakasalang sa kumukulong tubig ngayon at itinuturong third party ang aktres na si Valeen Montenegro. Hindi man direktang isinisiwalat ni Ciara ang dahilan pero tinatawag na agad na ‘homewrecker’ si Valeen dahilang mestisang aktres daw ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay ng 6 na taong pagsasama nina Ciara at Jojo.
Ayon sa nasagap ng source ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), masamang-masama raw ang kalooban ng mag-asawang Sotto sa sinapit na kanilang pinakamamahal na bunso. Dismayado sila sa kinahinatnan ng pag-aasawa ni Ciara kay Jojo. Hindi nga naman nila inalagaan ng husto si Ciara upang paiyakin lang ng isang lalaki. Kasunod nito’y kaagad na ipinahihinto na nina Sen.Tito ang pagpapagawa at pagpapatayo sana ng bahay ni Jojo sa Blueridge, Quezon City.
Marami ang nakisimpatiya kay Ciara nang umamin itong hiwalay na sila ng asawang si Jojo. Kung hindi man totoo ang chismis, nakakaawa rin si Valeen Montenegro na nadadawit sa isyung ito kung hindi naman talaga siya dapat sisihin sa paghihiwalay ng dalawa. Wala kasi ni isa man lang sa mag-asawa ang nagsasalita upang klaruhin ang ilang mga bagay gaya ng pagkakasangkot sa pangalan ni Valeen. Maging ang mga magulang ni Ciara ay hindi pa rin nagbibigay ng komento sa panahong ito. Marahil ay maging sila ay na-shock sa nangyari at kinahinatnan ng kasal ng kanilang bunso kay Jojo Oconer. Siguro nga’y ayaw na rin dumagdag pa ng mag-asawang Sotto sa sakit ng kalooban na dinadala ng kanilang bunso sa pakikipagrelasyon nito kay Jojo.
Nakakalungkot ang nagyaring ito kay Ciara. Kilalang mabuting tao ang bunsong anak ni Sen. Tito at Helen, hindi ito karapatdapat na magkaroon ng isang mapaklang tadhana. Kaya’t hindi na kami magtataka na nakuha nito ang simpatiya ng tao.