
Senate tribunal denies disqualification case vs Senator Grace Poe
by PSR News Bureau
Ibinasura kamakailan lang ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang petisyong ma-disqualify si Senadora Grace Poe dahil sa isyu kaugnay ng kanyang citizenship. Marami kasi ang kumukuwestiyon sa pagiging Filipino ni Senator Poe ngunit sinabi rin na maituturing naman na natural-born Filipino ang senadora, lalo pa’t hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa umano natutukoy kung sino ang biological parents nito.
Ayon sa ulat, nakakuha si Senator Poe ng five out of nine votes mula sa mga bumubuo ng SET. Kabilang sa bumotong natural-born Filipino si Senator Grace ay ang mga kapwa-senador niyang sina Vicente “Tito” Sotto III, Pia Cayetano, Cynthia Villar, at Bam Aquino.
Habang ang mga bumoto na madiskwalipika ang senadora ay sina Associate Justices Antonio Carpio, Teresita Leonardo-De Castro, at Arturo Brion.
Kasama rin si Senator Nancy Binay sa mga bumoto na madiskwalipika si Senator Grace.
Ayon kay Senator Legarda, pinag-aralan niya nang husto ang kanyang pagboto hinggil sa disqualification complaint laban kay Senator Poe.
“The most important thing, I think, is this will have a great implication on foundlings.
“This issue goes beyond Grace Poe.
“Ito ay makahulugan sa mga ampon na hindi alam ang kanilang pinanggalingan.”
Sa hiwalay na opisyal na pahayag ng legal counsel ni Senator Poe na si Atty. George Garcia, sinabi nitong maging ang ibang Pinoy na ampon tulad ng senadora ay makikinabang sa desisyon ng SET. Pero nilinaw rin ni Senator Legarda na hindi pa naman pinal ang desisyon ng SET. “Mayroon pang sampung araw na nakatakda para sa possible motion for reconsideration. So, inabisuhan muna kami ni Associate Justice Tony Carpio na huwag muna magsalita tungkol sa issue.”
Naging masaya naman ang ina ni Senador Poe na si Susan Roces sa naging desisyon ng SET na ibinasura ang reklamo ng disqualification laban sa pagtakbong pangulo ng kanyang anak.