May 23, 2025
Senator Chiz Escudero confirms: “Escudero-Poe tandem will push through.”
Home Page Slider Latest Articles

Senator Chiz Escudero confirms: “Escudero-Poe tandem will push through.”

Jul 16, 2015

By PSR News Bureau

Sa politika, marami ng alingasngas ukol sa ‘dream tandem’ nina Senador Francis “Chiz” Escudero at Senadora Grace Poe bilang frontrunners para sa 2016 national election. Bagamat wala pa ring kumpirmasyon mula sa magkabilang panig, siniguro naman nila na hindi nila iiwanan ang isa’t-isa. Ayon nga kay Senador Poe, kung papipiliin siya ng makaka-tandem, mas gugustuhin niyang si Senador Chiz na iyon. Sabi naman ni Senador Chiz, may mga pag-uusap na raw na nagaganap pero wala pang pinal na desisyon.

poe-escudero-2016

“Di ko maaaring ikaila na may mga pag-uusap tungkol doon, pero wala pang napagpasyahan. Dahil hindi naman kami katulad ng iba na may pondo at partido. So siguro, tama lang na mahabang panahon ang gugulin ni Senador Poe. At kung sakali mang kaming dalawa ang magka-tandem, malalaman ninyo kapag may desisyon na kami,” paliwanag ni Senador Chiz.

Dagdag pa niya, “Pero siguradong magkakaroon ng Escudero-Poe tandem sa buwan ng Agosto. Iyan ang sinisiguro ko sa inyo. Sa pagbubukas ng serye ng aking mahal na esposang si Heart at ang kapatid ni Senadora at kaibigan ni Heart na si Lovi. Sina Heart at Lovi ang bibida sa Kapuso serye na “Beautiful Strangers,” sabay tawa pa ng senador sa kanyang biro.

PageImage-494270-3050232-thurs12

“Kaya’t pakaabangan ninyo yung serye ng tamabalang Escudero-Poe sa GMA 7. Iyon na muna ang pagtuunan natin ng pansin bago ang sa amin [ni Senadora Grace Poe] dahil malayo pa ang itatakbo ng pag-file ng candidacy para sa election,” pagtatapos ni Senador Chiz.

Leave a comment

Leave a Reply