May 23, 2025
Senator Chiz Escudero and Heart Evangelista, wedding countdown begins
Latest Articles

Senator Chiz Escudero and Heart Evangelista, wedding countdown begins

Jan 21, 2015

Antazo PSR pic

by Mary Rose G. Antazo

heartandchiz Kaliwa’t kanan na ang bridal shower ng Kapuso actress na si Heart Evangelista para sa nalalapit na kasal nila ni Senator Chiz Escudero na magaganap sa February 15, sa Balesin Isaland Club sa Quezon Province. Ang pinaka-latest na naganap ay ang bridal shower na inihanda ng programang Startalk para kay Heart na isa sa host ng programa. Naganap ito sa Fernbrook Gardens, New Alabang, last January 12. Heart was surprised with a Hollywood-themed shower by Startalk, the Saturday GMA show that she co-hosts with Joey de Leon, Lolit Solis, Butch Francisco and Ricky Lo. Heart was clueless about the well-kept plan.

Ilan sa mga kaibigan niyang dumalo ay sina Alessandra de Rossi, Lovi Poe, Donita Rose, Carla Abellana, Iza Calzado, Rhian Ramos at Kylie Padilla. Naging hosts ng event sina Tim Yap at Tessa Prieto-Valdes.

Tuwang-tuwa si Heart dahil lagi siyang sino-sorpresa ng kanyang fiancé gaya noong gabing iyon. Magkasama lang daw sila noong hapon at hindi niya alam na pupunta nga ito sa nasabing event.

heart-and-chiz-1 copy“Hindi ko ine-expect na pupunta siya. Kasi nga kanina lang magkasama kami. Tapos ang traffic. Then bridal shower din siya.

“But you know, it’s nice that he’s here. [It’s] always nice when he surprises me,” pahayag ni Heart.

Marami naman ang kinilig nang sabihin ni Senator Chiz na si Heart ang gusto niyang makasama sa habang-buhay. Pangako pa nito na hindi raw siya magsasawang suportahan ang mapapangasawa sa nais nitong abutin.

“Siyempre gagawin ko para sa ‘yo. Para maalagaan siya at para matiyak na marating yung pangarap niya sa buhay.

“Hindi lang bilang indibidwal kundi bilang asawa at nanay din siguro in the future. At sana makita at maabutan ko lahat yun ng kasama siya,” sabi pa ni Senator Chiz.

Ilan sa mga naging well-wishers ni Heart sa kanyang bridal shower at nagbigay ng regalo ay ang mga kapamilya at kaibigan sa industriya.

Mensahe ng kanyang nakakatandang kapatid na si Cam Ongpauco, “Ever since we were young, I always felt the need to protect her and back her up and be her bodyguard. I love you so much. I’m happy that you’re happy.”

Mensahe naman ni Alessandra de Rossi, ang matalik na kaibigan ng aktres, “Ito na yun, ‘di ba? Pangarap ng lahat ng babae natupad na.

“Ano pa bang kulang sa ‘yo? Wala. So, pagbutihan mo ang pagiging butihing Mrs. Escudero. Nandito lang kami forever nakasuporta sa ‘yo. ”

“We all know in this industry, mahirap makahanap ng totoong kaibigan. And I’m thankful na nakahanap ako ng isang Heart. I love you, Heart!”, mensahe naman ni Lovi Poe na dala pang regalong wine at cheese.

Maging ang kapatid ni Senator Chiz na si Dette ay dumating at nagpahayag na excited na ito sa kanyang magiging future sister-in-law na si Heart.

“I’m so excited for you to be part of the family. Anytime you need advice or you need help, ‘pag nag-away kayo or something, ‘wag kang mahihiyang lumapit sa akin.”

Si Donita Rose naman ay nagpatunay kung gaano kabuting tao at kaibigan sa kanyang si Heart. “During the days nung nasa Singapore ako, I used to come to Manila every week and stay in hotels. ‘Tapos one time nag-offer si Heart sa akin na tumira sa kanya. I will never forget that.”

Dumalo rin sa bridal shower ni Heart ang kapwa-senador ni Senator Chiz na si Senator Cynthia Villar.

“As politicians, our life is very hard. I hope you can give him all the support you can give so you can make his life tolerable.

“We wish you the best. I hope everything would be well in the future,” nakangiting saad ng senadora.

Nagbigay din ng mensahe ang GMA Network Senior Vice President for Entertainment na si Lilybeth Rasonable.

“I would just like to wish you only the best in everything, forever happiness for you and Senator Chiz.

“Remember that your home network, your Startalk family are all here always for you. Congratulations!”

Heart was teary-eyed as her friends delivered their gifts and messages. Kris Lawrence dedicated the song ‘All Of Me’ to her.

Meanwhile, excited na rin si Heart sa gown na kanyang isusuot na wedding gown. Tatlong wedding gowns ang nakatakda niya isuot mula sa malalaking pangalan sa Philippine fashion na sina Ezra Santos. Monique Lhuillier at Mark Bumgarner.

Follow me…

social networkingMary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/ballot9

Leave a comment

Leave a Reply