
Senator Grace Poe defends son Brian from netizens
by PSR News Bureau
Kapag ang anak talaga ang concerned, hindi puwedeng hindi magsasalita sinumang ina. Tulad na lang ni Senadora Grace Poe na hindi nakatiis kamakailan lang nang masangkot sa isang kontrobersiya ang anak na si Brian Poe Llamanzares. Nag-post kasi at kumalat sa social media ang larawan ni Brian kung saan nakasuot ito ng mamahaling pares ng sapatos na tipong limited edition pa. Marami sa netizens ang kaagad na kumuwestiyon sa nasabing mamahaling sapatos ni Brian. Ang pares kasi ng naturang sapatos ay sinasabing diumano na nagkakahalaga na daw halos ng Php1 million.
Ayon sa isang report, ang suot na sapatos ni Brian ay 2011 na limited edition ng isang sikat at branded na sneakers na mayroong halaga na US$19,999.99 o humigit-kumulang sa Php900,000.

Kaagad namang ipinagtanggol ni Senator Grace ang kanyang anak. Ayon kay Grace, alam daw niya na bumili ang anak ng nasabing mamahaling sapatos. Batid din ni Grace na ginagamit ang kanyang anak para gawan ng kuwento at gamitin bilang pambabatikos sa kanya sa kasagsagan ng kanyang pangangampanya sa kanyang pagtakbo bilang president sa susunod na eleksiyon. Sinabi ni Grace na pinag-ipunan daw ng husto ni Brian ang naturang pares ng mamahaling sapatos.
“You will recall that my son has been holding a job with television news network, and just took a leave in view of the election season in order to protect the network’s objectivity,” ang sabi ng senadora sa isang report sa TV.
“He saved up for that a long time. Even if assuming I was not agreeable to it, it made him happy. He has a right to it. Why should we stand in the way,” pagtatanggol pa ni Grace sa kanyang anak.
Matatandaang umalis si Brian sa paghahanapbuhay sa isang TV network matapos magpahayag ang ina na nais nitong tumakbo sa pagkapangulo. Nakiusap si Sen. Grace na kung maaari ay huwag nang idamay pa ang anak na si Brian sa mga isyung political pagkat hindi naman ito ang direktang involve sa politics. Anuman daw ang mayroon ang anak niya ay pinagsikapan daw nitong makamit.