Why Senator Grace Poe’s cousin Sheryl is against Poe’s presidential bid?
By PSR News Bureau
Hindi lahat ng pamilya ni Senador Grace Poe ay nasa likod ng kanyang hangaring makapaglingkod sa bansa kaugnay ng kanyang kandidatura sa pagiging president sa taong 2016. Ang aktres at pinsan niyang si Sheryl Cruz, anak ng dating artistang si Rosemarie Sonora at pinsang buo ni Senador Grace Poe ay tahasang sinabi na hindi ito pabor sa naging desisyon ng kanyang pinsan.
“Hindi pa siya [Poe] handa para sa pinakamataas na posisyon sa bansa. Hindi pa siya hinog para sa nasabing posisyon, malaking responsibilidad ang nakaaatang sa pangulo. Everybody in the family is special to you [but] you don’t want to see somebody having a hard time most especially running the country,” wika ni Sheryl.
“Kilalang-kilala ko siya [Grace] dahil halos sabay kaming lumaking magkasama. There are actually things that you have to actually wait for,” dagdag pa ni Sheryl.
Ikinampanya ni Sheryl ang kanyang pinsan noong kumandidato ito bilang senador noong taong 2013. Naniniwala naman daw siya sa kakayahan ng kanyang pinasan at kahit pa baguhang senador ito, naniniwala siya na malaki ang potensiyal nito baling araw pero para sa kanya’y kailangan pang patunayan ni Poe ang kanyang karapatan bilang isang public servant dahil kulang pa ito sa experience at pagsasanay.
“My cousin’s a neophyte. Isang bagong mukha sa larangan ng politika, pero madami pa siyang kailangan hasain pagdating sa panunungkulan at paglilingkod.”
Ayon pa kay Sheryl, mas gusto niyang piliin ang mas maraming panahon na ginugol sa serbisyo gaya ni Vice President Jejomar Binay o di kaya ni Liberal Party sytandard-bearer na si Mar Roxas. “Sa aking palagay, mas mabuting maghintay muna siya [Grace] ng tamang panahon. I know she’ll be very good in what she’s doing, but just not right now. Siguro sa 2022.”