May 23, 2025
Serious project for Quinn Carrillo
Latest Articles

Serious project for Quinn Carrillo

Dec 30, 2020

Masaya ang member ng Belladonnas na si Quinn Carrillo sa dumating na break kay Sean de Guzman sa pelikulang Anak ng Macho Dancer.

Si Sean ang bida sa naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk Joel Lamangan.

Sina Quinn at Sean ay magkapatid sa 3:16 Events and Talent Management at kapwa nasa ilalim ng pangangalaga ng mabait na talent manager na si Ms. Len Carrillo.

Esplika ni Quinn, “Of course I was really happy for him and proud, kasi not everyone can be given that big of a break, tapos direk Joel Lamangan pa, ‘di ba?

“And he deserve it naman talaga, kasi he’s got lots of potential and very humble talaga ‘yang si Sean.”

How about si Chloe Sy?

Aniya, “And for chloe also. I think magandang stepping stone yung Anak ng Macho Dancer sa career nilang dalawa.”

Si Chloe ay kasama ni Quinn sa Belladonnas at isa rin sa may daring scene sa naturang pelikula.

Tampok din sa Anak ng Macho Dancer sina Allan Paule, Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Lorenzo, Emilio Garcia, Ricky Gumera, Charles Nathan, Miko Pasamonte, Niel Suarez, at iba pa. 

Ang pelikula ay mula sa The Godfather Productions ng Mega Producer na si Joed Serrano, katuwang ang Blackwater. 

Anyway, nagulat ba siya na kinaya ni Sean ang ganoon ka-daring na project?

Sagot ni Quinn, “Actually di ako nagulat, hahaha! Kasi I’ve always known naman na ‘di talaga ‘yun mapili sa roles and or conscious about his body.”

Kung siya ang papipiliin, ano ang mas gusto niyang gawin, mag-drama, comedy, or pa-sexy na project?

Lahad ni Quinn, “Kung ako siguro, I want na yung either sexy or something serious na project. Kasi nakikita ko naglalabasan na rin talaga yung mga indie films, mas nakikilala na sila ngayon. I think we are ready for these kinds of films na rin, like dati na mas gusto ng masa yung cutie, comedy, teensy romance, ‘di ba?

“Pero ngayon napapansin ko, naghahabol na talaga tayo sa kuwento at laman ng istorya, eh.”

Si Quinn ay naging bahagi ng Starstruck-Season 7 as Kyle Lucasan at isa sa tampok sa advocacy film titled Codep, ni Direk Neal Tan.

Leave a comment