May 23, 2025
Shaina Magdayao and Carlo Aquino share about ‘The Better Half’
Latest Articles This is it!

Shaina Magdayao and Carlo Aquino share about ‘The Better Half’

Feb 10, 2017

Sa bagong serye ng ABS-CBN 2, na The Better Half, ay gumaganap dito na mag-asawa sina Shaina Magdayao bilang si Camille at Carlo Aquino bilang Marco.

Sa totoong buhay ay wala pang better half sina Shaina at Carlo. Kung tutuusin ay pwede na naman silang mag-asawa dahil nasa tamang edad na sila.

Sa presscon ng naturang serye, tinanong namin sina Shaina at Carlo kung kelan nila ba planong magkaroon ng better half.

Sabi ni Shaina,” Well, as much as I would like to, parang meron pa akong purpose kung bakit ako nandito pa sa industriya. Maski ako, dumating ako sa point na kinwestyon ko.

“But this afternoon, after this presscon, I’m signing and renewing again for two more years sa ABS-CBN.

“So, medyo iho-hold muna natin siya ng konti ulit.  Oo naman pwede naman siyang pagsabayin (career-at buhay may-asawa) but sa ngayon, nao-overwhelm kasi ako sa ganda ng pagpasok ng 2017 ko and napaaga pa ang airing namin ng Better Half, na parang naka-set kasi siya na akala ko midyear pa.

“Ayun, maraming dumarating na blessings. As much as possible, gusto kong i-direct yung full attention ko (sa career) kasi hindi biro yung mga nabibigay na projects sa akin ngayon. So siguro this is the first time in years, na parang na-renew rin yung passion ko and I hope makita ninyo kung paano namin pinortray yung role.

“Ako personally, sobra ko siyang niyakap, sobra kong niyakap si Camille. Naiintindiihan ko yung struggles niya in life. And I guess lahat tayo bilang mga nagmahal na at one point in our lives, nag-decide din tayo na maybe it’s about time to move on.”

Sabi naman ni Carlo,” Kami naman ni Tin (Kristine Mei-Nieto, gf ni Carlo), masaya naman kami. Siyempre may tinatahak akong career tapos siya naman nag-aaral ngayon. Nag-iipon pa rin hanggang ngayon at yun nga, may mga plano pa kami na gustong gawin bago kami mag-settle down.”

Bilang mag-asawa ay may love scene sina Carlo at Shaina sa The Better Half at may love scene rin si Carlo kay Denise.

Ayon sa Carlo, hindi siya nailang na gawin ang naturang eksena with Shaina and Denise.

Paliwanag ni Carlo, “Unang-una kasi importante yung kumportable ka sa katrabaho mo ‘di ba? Yun nga ever since mga bata pa kami, nakilala ko na si Shaina. Tapos si Denise naman, nakatrabaho ko na sa iba’t-ibang network.”

Photo from Shaina's instagram account
Photo from Shaina’s instagram account

 

Leave a comment