May 25, 2025
Shaina Magdayao is genuinely happy for sister Vina’s new found love
Faces and Places

Shaina Magdayao is genuinely happy for sister Vina’s new found love

Sep 30, 2015

psr a12d

By :PSR News Bureau
shaina-magdayaoTalbog na kung talbog ang beauty ni Shaina Magdayao sa nakakatandang kapatid nitong si Vina Morales. Kasi hindi tulad ng kanyang Ate Vina, hindi parehong nae-enjoy ni Shaina ang kanyang career at love life. Taliwas sa sitwasyon ng Ate Vina niya na parehong napagsasabay ang karera at panahon sa pag-ibig. In love daw si Vina ngayon sa isang taga-London. Ayon mismo kay Shaina, approve na daw sa pamilya niya ang nasabing bagong pag-ibig ni Vina. “He seemed nice and warm naman sa pamangkin ko [Ceana, anak ni Vina kay Cedric Lee]. I think that’s a good sign at nag-effort naman siya na mapalapit dito,” pahayag ni Shaina.
“When I finally met him [Vina’s boyfriend], mabait siya. Kahit na iba ang lahi niya, nag-reach out naman siya sa amin. He’s very friendly,” dagdag pa niya.
“Nasa culture nating mga Pinoy yung maging palakaibigan. But at the end of the day, na kay ate pa rin yung decision. We will always respect her. Plus pogi points na lang na he’s reaching out. He’s putting so much effort at nakikita mo naman na mabuti siyang tao. My ate deserves the best. She waited for him,” kuwento pa nito.

ShainaaaDahil nakatagpo na nga ng bagong pag-ibig ang kanyang kapatid, kailan naman siya susunod? Mula kasi nang maghiwalay sila ng kanyang ex boyfriend na si John Lloyd Cruz ay mukhang wala nang muling pumasa sa pihikang panlasa ni Shaina. Taong 2012 pa noong naging sila ng aktor at wala na tayong nabalitaan pa na naging karelasyong seryoso ni Shaina. “Masaya ako para sa ate Vina ko. Nakikita kong maayos siya at masaya siya sa kanyang buhay pag-ibig. Siguro, tulad niya ay hihintayin ko na rin lang ang panahon na makilala o makita ko ang aking Mr. Right kaysa magmadali ako at magsayang ng panahon sa lalaking hindi naman karapat-dapat sa pagmamahal ko,” pagtatapos ni Shaina.

Leave a comment

Leave a Reply