May 23, 2025
Shaina Magdayao gets her biggest break in “My Candidate”
Latest Articles Movies

Shaina Magdayao gets her biggest break in “My Candidate”

May 5, 2016

Screen Shot 2016-05-03 at 9_33_20 AMBiggest break ng Kapamilya actress na si Shaina Magdayao ang kanyang role bilang Billie Pono sa pelikulang “My Candidate”.

Si Billie Pono ay isang communications/life coach na tutulong at huhubog kay senatoriable Sony Suarez (Derek Ramsay) na ma-enhance ang kanyang ‘people skills’ bilang paghahanda sa kanyang pagtakbo sa eleksyon.

Sa kanilang pagkukurus ng landas, may romansang mabubuo sa kanila na dapat abangan sa pelikula.

Single ka ba ngayon?

“Yes, I’m single”, sey ni Shaina.

Open book sa publiko na hindi ganoon ka-successful ang love life mo sa mga past relationships mo. Sa pelikula mong “My Candidate”, may mga kilig moments ka with your leading man. Saan ka humuhugot ng inspirasyon sa iyong role considering na loveless ka ngayon?

“Marami na naman akong pinagdaanan, kaya siguro madali na sa akin and whenever I work naman, hindi naman siya si Shaina kung hindi iyong character ko”, paliwanag niya.

May mga nagsasabing wala raw kayong chemistry ni Derek (Ramsay). Ano’ng masasabi mo rito?

“Minsan kasi hindi mo naman sinasadya ang chemistry pero nasosorpresa ka minsan na may mga magandang nangyayari sa mga hindi mo inaakalang mangyayari. First time kong makatrabaho si Derek. We’re friends but we never had the chance to work with each other, kaya excited ako dahil first namin ito”, pahayag niya.

Ex mo si John Lloyd Cruz na ngayon ay ex na ni Angelica Panganiban na naging ex ng katambal mong si Derek. Sinadya ba itong pagsasama ninyo ni Derek o coincidental lang?

“Sinabi na ng producer namin na hindi siya sinadya. Matagal ko na ring gustong makatrabaho si Derek at natupad ito sa movie namin together”, paliwanag niya. Rebelasyon ang galing mo sa pagpapakilig at pagpapatawa sa “My Candidate”. Kailan mo nadiskubre na puwede ka pala sa rom-com?

“Actually, isang malaking challenge sa akin ito dahil alam naman ninyo na laging drama ang ginagawa ko. Kinailangan ko talagang i-detach ang sarili ko sa mga typical roles that I normally play. As an actor, hindi kami naman kailangang ma-stuck ka lang sa isang role o isang genre.

Mas challenging kung iba-iba ang ginagawa mo”, aniya. “I hope na naitawid ko siya with the help of my director Quark (Henares) who is also my hip-hop mentor”,pahabol niya.

Ang “My Candidate” ay tungkol sa mga taong tumatakbo sa elective position sa halalan. Botante ka ba?

“Yes. I’m a voter”, tugon niya.

Ano ang mga qualities sa iyo ng isang ideal candidate?

“Sa akin, iyong sincerity ng kandidato. Mahirap siyang mapanindigan dahil hindi lang siya sa kampanya dapat makita. Kapag nahalal na iyong mananalo, dapat sincere siya sa kanyang mga binitiwang pangako at gagawin niya ito sa kanyang mga constituents hindi dahil kailangan kundi dahil gusto niyang maglingkod sa bayan”, deklara niya.

Ngayong eleksyon, meron ka bang particular na kandidatong sinusuportahan?

“Kung meron man akong sinusuportahang kandidato, mas gusto ko to support silently na hindi na kailangang i-vocalize pa iyong support ko sa kanya”, pagwawakas niya.

Mainit man ang labanan ng mga supporter ng bawat kandidato kaugnay ng eleksyon sa Mayo 9, ang “My Candidate” ang pelikulang sagot para mapawi o maibsan ang init na nararanasan ng sambayanan sa mga bangayan ng mga partido sa pulitika. Hatid nito ay tuwa, saya, pag-ibig at kilig na mapapanood na sa Mayo 11 sa lahat ng mga sinehan sa buong kapuluan.

Bukod kay Derek, kabituin din dito ni Shaina sina Iza Calzado, Nico Antonio, Tirso Cruz III, Ketchup Eusebio, Ricci Chan, Jay Ignacio, Jay Gonzaga, Jun Sabayton, Christine Babao, Happy Fereran at marami pang iba.

Leave a comment

Leave a Reply