May 22, 2025
Shaina Magdayao goes regional in “Lily”
Latest Articles Movies

Shaina Magdayao goes regional in “Lily”

Nov 2, 2016

Kakaibang hamon sa Kapamilya actress na si Shaina Magdayao ang kanyang role bilang Lily sa pelikulang may kaparehong titulo na kalahok sa ika-12 edisyon ng pinakaabangang Cinema One Originals filmfest.

“Marami kasing kuwento ng mga aswang sa Visayan folklore. Noong bata pa ako, naniniwala ako dahil ang dami kong naririnig na kung anu-anong kuwento at minsan, ikinukuwento siya para takutin ang mga bata para mag-behave sila”, bungad niya.

Espesyal din kay Shaina ang pelikula dahil kinunan ito sa kanyang hometown sa Cebu.

“Kaya ako umoo rito because it’s gonna be made in Cebu and shown in Cebu with the whole team na Bisaya. Tapos ang dialogue pa ay pure Visayan na maiintindihan lang ng iba through subtitles. Gusto ko ring suportahan sila because they’re very talented people para na rin mabigyan sila ng opportunity at ngayon ngang nabigyan na ng opportunity, I’m willing to help as much as I can. Meron nga rin silang Binisaya film fest and I’m glad na nag-e-emerge na siya”, sey niya. “Sobrang proud nga si Daddy dahil binantayan niya ako dahil gusto niya akong mapanood at magsalita ng Bisaya”, dugtong niya.

Kakaiba rin daw ang kuwento ng “Lily” na idinirehe ng Visayan filmmaker na si Keith Deligero sa mga Pinoy horror stories na napanood na natin.

“Marami na rin kasi akong nagawang horror movies pero iba siya sa mga aswang na napapanood natin. Iyong ibang horror films, gugulatin ka o talagang tatakutin ka o may mga habulan. Dito, hindi siya ginawa para takutin ka lang dahil punung-puno siya ng kuwento. It’s more of psychological siya”, paliwanag niya.

Ang “Lily” ay tungkol sa urban legend sa Cebu tungkol sa isang babaeng napapabalitang aswang pero sa likod ng mito nito ay natatago ang kuwento ng isang inang naghahanap ng katarungan sa sinapit na trahedya.

Aminado rin si Shaina na nahirapan siya sa kanyang role sa pelikula.

“Nag-prosthetics ako pero mas mahirap iyong acting at iyong diction. Ang hirap na umaarte ka na meron kang accent at the same time, lalo na’t hindi ako ganoon ka-fluent sa Cebuano”, ani Shaina.

Overwhelmed din siya sa suportang nakuha niya sa kanyang mga co-actors sa pelikula.

“Maraming support. Natupad na nga ang pangarap ko kahit papaano na makasama si Direk Lav (Diaz) na may special participation dito. Tapos si Rocky (Salumbides) na napaka-gentleman. Meron pang Ate Eula (Valdez) na nag-cameo rito. Si Ate Vina nga kasama sana siya kaya lang hindi siya nakaabot”, tsika niya.

Ang “Lily” na isa sa mga pitong kalahok sa full length category ng Cinemaone Originals ay idinirehe ni Keith Deligero na siya ring direktor ng “Iskalawags” (2013 Cinemaone Originals entry) mula sa panulat nina Pam Miras (Pascalina) at Timmy Harn (Ang Pagbabalat ng Ahas).

Tungkol naman sa sexy viral dancing video nila Piolo Pascual na nakunan sa kanila noong 10th Star Magic Ball kung saan nadala ang Kapamilya actor sa pakikipagsayaw sa kanya, wala raw naman siyang nakikitang malisya rito.

“Everyone had fun during the ball. We had fun. I had fun with everyone not only with Piolo. Not guys lang. I had fun with all my friends in the business. Napakarami naman ng kasama ko that night dahil sa sobrang busy naming lahat dahil once a year lang siya nangyayari, so huwag na lang bigyan ng malice,” pagwawakas niya.

fullsizerender2

For  your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

Leave a comment