May 23, 2025
Shamcey Supsup and Lloyd Lee welcome baby girl
Home Page Slider Latest Articles

Shamcey Supsup and Lloyd Lee welcome baby girl

Jan 26, 2016

by PSR News Bureau

shamcey

Say hello to baby Nyke! Noong Linggo, January 24, nagsilang ng isang malusog na baby girl si Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup ng panganay na anak nila ni Lloyd Lee na pinangalanan nilang Nyla Kelcey o Nyke.

Sa personal na Instagram ng dating beauty queen, nag-post ito ng kauna-unahang larawan ng kanyang anak at nagbahagi rin ito kung paano siya nanganak. “Arrived at the hospital, 7cm dilated. Really thought I could deliver normally, but because of unforeseen circumstances, had to undergo CS. Everything just hurts, but seeing your baby for the first time is just magical. Thank you Lord for giving us this healthy, strong and super bait na baby,” ani Shamcey.

lastimosa-2Maging ang fellow beauty queen at Miss Universe 2014 top 10 finalist na matalik na kaibigan ni Shamcey na si Mary Jean Lastimosa ay tuwang-tuwa rin sa bagong silang na baby. Gaya ni Shamcey, nagbahagi rin ito ng larawan nila ng magiging inaanak niya. Ani MJ: “My chinita go daughter. Mana kay Daddy lee. Pagaling agad sissy @supsupshamcey. Grabe tangkad ng baby girl niya and dilat na dilat agad kahit wala pang 1day old. Sobrang sarap sa pakiramdam na karga karga ko na si baby Nyke. God bless you little angel!”

“Tita Ninang is sooooo happy to finally meet you baby Nyke, so tall for an 8 hours baby. Hehe…Congrats Mommy @supsupshamcey and Daddy @lloydlee so much gigil right now.”

chamchey 2jpgMatatandaan na Hunyo noong nakaraang taon nang ianunsiyo ni Shamcey ang kanyang pagbubuntis. Sumali si Shamcey sa Miss Universe pageant taong 2011 sa Brazil. Taong 2013 naman nang ikasal siya sa negosyanteng si Lloyd Lee. Sa gitna ng pagiging asawa at arkitekto, tumatanggap rin si Shamcey ng ilang proyekto ng modelling at hosting. Abala rin ito sa pangangasiwa ng negosyo nila ng kanyang asawa na isang restaurant na Pedro ‘N Coi.

Leave a comment

Leave a Reply