May 24, 2025
Shamcey Supsup is now pregnant with her first child
Home Page Slider Latest Articles

Shamcey Supsup is now pregnant with her first child

Jun 17, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

14348_4552081116094_1546825734_nGinanap ang launch at opening ng restaurant ng mag-asawang Shamcey Supsup at Lloyd Lee sa Pedro & Coi noong Martes, June 16. Ito ay nasa 3rd level ng Fisher Mall sa may kanto ng Pantranco at Quezon Avenue sa Quezon City. Hindi inaasahan na bukod sa nasabing pagbubukas ng kanilang restaurant ay may isang surprising announcement pa silang sasabihin sa kanilang mga bisita. Ito ay ang pagbubuntis na ni Shamcey.

“We’re very happy,” masayang sabi ni Shamcey sa magkasabay na interview sa kanilang dalawa ni Lloyd ng Philippine Showbiz Republic (PSR).
“Dahil ano na…I’m on my way, seven weeks na. Siyempre nakakatakot din mag-announce, di ba? Dahil ang first trimester (ng pregnancy) is a very critical period pa.”

“We were really planning (to have a baby) this year. I think it’s time for us to have our own family. And then… lately I always get sick. I can’t eat, parang gano’n. So pumayat ako,” kuwento ni Shamcey.

A year and a half na silang kasal and tulad ng inaasahan ng marami, heto nga at magkaka-baby na sila.

“Hindi kami masyadong nahirapan,” ani Lloyd. “When we tried, asked for it… ibinigay agad.”

Kuwento pa ni Shamcey: “When we went to the US last May for a vacation, parang iyon ang naging honeymoon namin. So, ibinigay naman sa amin. Last week lang namin nalaman na I’m pregnant na pala. Well two weeks ago, I had a feeling na buntis ako. Kasi nga lagi akong wala gana kumain, ganyan. And siyempre ako, alam mo naman sa internet… isi-search mo lang like yung symptoms.”

“Sabi ko parang maraming symptoms (ng pregnancy) na napi-feel ko. So I told him (Lloyd) na siguro it’s better to take a pregancy test. So I took it. And then ‘yon nga… it turned positive.”

“Siyempre ayaw pang maniwala ng mga parents namin. Hindi naman daw kasi reliable ‘yung mga ganun. So we had it checked na talaga last week lang sa doctor and na-confirm nga.”

“Sobrang happy ako. Actually ini-expect na namin iyon kasi nga, we’re really planning to have a baby na. Pero hindi ko alam na ganito magiging kasaya,” bulalas ni Lloyd.

Ano ang pinaglilihian ni Shamcey? Ano ang kanyang mga hinahanap na gustong kainin?

“Right now, I don’t want to eat much. Medyo masama palagi ang pakiramdam ko so hindi nga ako masyadong nakakakain. Marami akong hinahanap na pagkain. Kung anu-anong prutas. Like minsan, gusto ko ng apple. Minsan gusto ko ng orange. Iba-iba. Minsan gusto ko ng chicken, or adobo, o gusto ko beef. Pero ang kini-crave ko actually is ‘yung mga luto sa probinsiya. Nami-miss ko ‘yung luto ng papa ko. Kaya parang gusto kong umuwi sa Gensan.”

“Kasi ‘yung papa ko magaling magluto ng tinola. Tapos ‘yung magpiprito ng tilapia, ‘yung mga ganoon. Yung maglalaga ng saging. Mga ganun ka-simple.

Nahihirapan ako. Hindi lang morning sickness meron ako kung hindi the whole day.”

Ano ang reaksiyon ng family nila nang kanilang ipinaalam na ang tungkol dito?

“Mas excited pa sila,” tawa ulit ni Shamcey. “Kasi if ever, it’s going to be the first apo in both families. Si Lloyd, gusto na nga niyang malaman kung ano ang gender ng baby. Sabi ng doctor hindi pa raw malalaman, maaga pa masyado.

“Kahit lalaki o babae, as long na healthy. We’re just praying na it’s going to be safe,” sabi ni Lloyd.

“Kung ako, ang gusto ko sana girl. Di ba, kasi cute damitan? Kapag lalaki kasi, mas makulit, e. Kaya feeling ko mas behave kapag girl,” dagdag ni Shamcey.

May naiisip na ba silang name para sa magiging baby nila?

Shamcey-Supsup-and-Lloyd-Lee-Official-Onsite-Wedding-Video

“Before kami ikasal, meron na kaming naiisip. Pero hindi ko muna sasabihin. Basta it’s going to be a mix of our names.”

Ilang anak ang plano nila?

“Ako… right now, isa lang. It depends,” nangiting sabi ni Shamcey.

Para kay Lloyd naman daw… “Okay naman na boy and girl. Dalawa.”

May fear ba si Shamcey na pagkatapos niyang manganak, baka masira ang kanyang magandang body figure o tataba siya?

“Ay, wala. Kasi sabi ni Lloyd, love pa naman daw niya ako kahit tumaba pa ako.”

Dagdag na pahayag ni Lloyd: “Wala namang problema sa akin ‘yung tungkol sa figure. Isa lang ‘yung wish ko for her, na normal ‘yung

pregnancy niya tapos ‘yung baby maging healthy.”

Pag-amin naman ni Shamcey… “Ang fear ko is more on panganganak itself. ‘Yung pain ng delivery. Kasi medyo mahina ‘yung tolerance ko for pain. At saka once lang ako na-hospitalized so I have this thing about going to the hospital. Takot ako sa mga injection, mga ganyan. So kapag nakakarinig ako ng tungkol sa injection, natatakot ako. So sana normal delivery. Kasi takot mahiwa.”

Leave a comment

Leave a Reply