
Sharon Cuneta on misunderstanding with KC Concepcion: “I wish all this was just about sexy poses.”
Sharon Cuneta is a joy to watch every weekend (Saturday and Sunday) for her smile and positive comments para sa celebrity contestants sa Kapamilya network show, ang ‘Your Face Sounds Familiar’ (YFSF).
The megastar is in her usual self na masayahin at bungisngisin. Maybe the program was just the right vehicle comeback for her – something light and close to her heart which is singing. At talaga namang nakakaaliw ang programang ito which also bring out the best among our local artists and performers namely Jay-R, Nyoy Volante, Carla Estrada, Edgar Allan Guzman, Maxene Magalona, Melai Cantiveros, Tutti Caringal, and Jolina Magdangal. Completing the happy mood for YFSF are fellow judges Jed Madela and Gary Valenciano with another jolly fellow, Billy Crawford, as host. For 12 weeks, these artists wow televiewers as they transform into iconic local and foreign performers na ginagaya nila from looks to sound. Walang itulak-kabigin sa kanilang kahusayan sa panggagaya ang mga participants kaya naman nakakalungkot din at apat lang ang maglalaban sa finals na sina Jay-R, Nyoy, Edgar Allan Guzman at Melai sa June 6 & 7 via performances at Resorts World.
Going back to Sharon, may tampuhan at misunderstanding ba sa pagitan nila ng anak na si KC Concepcion? Laman kasi ng entertainment news over the weekend ang hinanakit ng aktres dahil sa “too much and uncessary sexy photos ng anak.”
Nag-ugat ang balita sa FB account ni Sharon sa komento ng isang tangahanga sa picture ni KC mula sa dance group G-Force’s culminating activity for its summer workshop last May 26 at the Mall of Asia Arena in Pasay. Guest performer si KC kung saan humataw ito ng sayaw “wearing a bra underneath a coat to pair with her trousers and boots.”
Sa comment thread ng isang follower sa Facebook sinabi ng megastar: “Given her status, I don’t think she needs to be this explosive….”
At tuluyan na itong naglabas ng sentiment: “Sorry pero nanay ako … may mga bagay na ‘di naman na kailangan gawin. Madaming beses na din kasi akong nagulat. Well, she’s an adult and unfortunately, all we parents can do is give our advice, ‘di magkulang sa paalala. Sana lang din tama na ‘yung poses na ganyan. Nasasaktan na ako.”
Hindi dito natapos ang isyu, the following day (Saturday, May30), nag-post ng mensahe si Sharon sa Facebook at sinabing hindi na siya maglalagay ng mga post tungkol sa kanila ni KC, maliban na lang kung positibo ito o nangangailangan ng paglilinaw.
Pinasalamatan din ni Sharon ang mga tagasuporta niyang may malasakit sa relasyon nilang mag-ina. Pero may mga komentong sinagot si Sharon na naglalaman ng posibleng problemang pinagdadaanan nilang mag-ina.
“I wish all this was just about sexy poses. Thanks anyway. God bless,” tugon niya sa isang follower.
Sa payo naman ng isa pang follower na huwag magpadala sa mga sinasabi ng bashers dahil ang gusto ng mga ito ay magkasira ang mag-ina, ang tugon ng megastar: “BASHERS have NEVER been the reason for driving a wedge between me and my daughter.”
“The reasons are sad and not made public as they are personal and have been going on for way longer than people will ever know. Thank you so much for your concern, though.” Ang relasyon ng mag-ina ay isa sa mga hinahangaan sa industriya kaya naman hangad ng marami na maging maayos na ang lahat. From Philippine Showbiz Republic (PSR), we wish the best for the megastar’s family life.