Sharon Cuneta offended by FAMAS
By: PSR News Bureau
Inamin ng megastar na si Sharon Cuneta na dismayado siya sa hindi niya pagkakabilang sa mga pinarangalan bilang Iconic Movie of Philippine Cinema ng nakaraang FAMAS Awards. Nagpasalamat naman ang aktres sa paghanga sa kanya at papuri ng tinaguriang Superstar na si Nora Aunor na nagbahagi ng parangal nito sa kanya at sa ilang artistang tulad niya na nakaligtaan parangalan ng FAMAS.
Pakiramdam ng megastar na hindi daw siya nabigyan ng importansiya ng mga pamunuan ng FAMAS Awards. Hirit ni Sharon na malaki rin naman ang naiambag niya sa industriya noong dekada 80’s at 90’s kung saan nakagawa siya ng 46 na pelikula at karamihan pa sa mga ito’y naging certified blockbuster. Kung kaya’t naniniwala siya na hindi naman biro ang kanyang na-accomplish sa tinagal-tagal niya sa industriya para hindi bigyan ng nasabing parangal. Malaki rin ang nagawang korntibusyon ni Sharon sa larangan ng pag-arte at pelikula.
Nagbigay kasi ang FAMAS ng kauna-unahang trophies para sa Iconic Movie Queens of Philippine Cinema noong Sept. 20. Ang ilan sa napiling recipients at sina Susan Roces, Sarah Geronimo, Gloria Romero, Dawn Zulueta at Nora Aunor. Sa naging talumpati ng huli ay ibinahagi niya ang kanyang parangal kina Sharon, Bea Alonzo at Marian Rivera. Ani La Aunor: “Gusto ko pong hatiin ang karangalan na ito sa apat na tao na sana po ay makita rin natin sa entablado sa mga susunod na taon.”
Sa naging panayam ni Boy Abunda kay Megastar, sinabi ng huli na kung dati rati’y isa siyang Vilmanian, ngayon daw any na-touch siya sa pagbabahagi ng parangal ng Superstar sa kanya sa naturang FAMAS awards night. Dito rin inamin ni Sharon na parang na disappointed daw siya sa award-giving body na hindi man lang siya kinunsidera bilang isang bituin na malaki ang naiambag sa rami ng pelikula niyang tumabo sa takilya