
Sharon Cuneta regrets ranting against Piolo Pascual during her daughter’s rift with ex-boyfriend
Pinagsisihan daw ni Megastar Sharon Cuneta ang ginawa niyang pagsasalita laban kay Piolo Pascual noong kasagsagan ng pakikipaghiwalay nito sa anak niyang si KC Concepcion. Ayon sa Megastar, “Alam mo, kapag ina ang isang tao, siyempre paran mas gugustuhin mong ikaw na lang ang masaktan kesa ang anak mo. Never akong nangielam sa mga naging nobyo or karelasyon ng anak ko, pero nung time nay un lang talaga, hindi ko natiis kasi nakita ko kung gaanong nasaktan yung taong pinakamamahal ko eh.”
Aniya, masaya na daw siya ngayon na nagkaayos na ng tuluyan ang dating magkarelasyong sina KC Concepcion at Piolo Pascual. Taong 2011 pa nang maghiwalay ang dalawa at matagal na panahon din silang hindi halos nag-uusap. “Ay, oo. I’m very happy na everything’s okay between them. Kasi kahit naman paano, hindi naman naging iba ang pagtrato ko kay Piolo. He’s almost like a part of my family. Ganun naming siya tinanggap ni Kiko, kaya’t naging masakit rin sa amin nung magkahiwalay sila. Pero tapos na yun, masaya na ako na okay na sila.”
“Kung may isang bagay na pinagsisisihan ko, ito yung naging very vocal ako sa feeling ko noon. Masyadong naging public. Kasi, parang afterwards, noong tapos na lahat. In retrospect, kahit kanino mo gawin, kahit sa sarili mo mangyari, hindi maganda.”