
Sheena Halili describes her perfect match
by John Fontanilla
Hindi daw maiwasang mainggit ang Kapuso star na si Sheena Halili sa kanyang mga co-Starstruck Batch 1 na sina Katrina Halili , Alvin Aragon, Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi na pare-pareho ng may anak.
Kuwento nga ni Sheena sa Philippine Showbiz Republic (psr.ph) nang makausap ito sa hallway ng GMA Network kamakailan na, “Dati hindi ako naiinggit, parang deadma lang, parang okey sige may baby na sila ako wala pa.
“Hindi ako apektado, happy ako for them kasi, choice [nila] yun at alam kong ready na sila kasi gusto na nila magka-baby.
“Pero ‘pag si Yasmien nagpo-post siya ng picture ng baby niya, parang ang sarap halikan nung anak niya, ang ganda-ganda tapos parang ambango-bango, alam mo yung ganun.
“Yun hindi ko maiwasang mainggit, kasi ang cute-cute talaga ng baby niya.
“Ganun pa lang pero siyempre, hindi ko pa naman iniisip na magkaroon ng baby, hindi naman agad-agad gusto mo meron na ‘yun ‘di ba?
“Kumbaga nandun pa lang siguro yung nahihiligan ko yung bata.
Pero nung tanungin namin siya if she’s dreaming to have a baby,“Katulad ng sabi ko, hindi naman agad-agad, mahirap namang magka-baby na wala ka pa ngang boyfriend o asawa ‘di ba ha ha ha.
“Siguro gusto ko munang magkaroon ng pamangkin, hindi naman baby na kaagad.
“Ang problema pa ako nga yung panganay sa aming magkakapatid tapos ako yung walang karelasyon.
“Kailangan ko muna ng relationship, bago yung baby.
Nagbigay ito sa amin ng daan para itanong ang tungkol sa suitors niya, “Oo naman, sa awa naman ng Diyos, hindi naman ako nabobokya ha ha ha, may mga nagkaka gusto pa rin ha ha ha,
“Meron namang nakakapansin ng beauty ko ha ha ha,
“May mga nakaka-appreciate ng ganda ni Sheena Halili ha ha ha,
“Peron ‘yun nga sinasabi ko naman sa kanila, nagiging honest naman ako sa kanya na,
“Kung magkaka-boyfriend ako, hindi lang ako nakikipag-boyfriend basta-basta, para lang may karelasyon,
“Well kapag naging karelasyon kita ibig sabihin talaga next level ang punta niyan, hindi yung trial and error,
“Kapag minahal kita, mahal kita. Kumbaga siyempre yun nga yung unconditional love ‘di ba,
“Pero siyempre, gusto ko kapag dumating na yung right guy, wala na akong poproblemahin,
“Yun naman yung akin eh, pag dumating na siya, siya na yun at bigay siya ni God,
“Kaya sana pagnagka-boyfriend ako or nagka-relationship ako ulit, yun na sana yung last and final answer to my prayers.”
Ano ba ang right guy para ka Sheena?
“A man of God , yung maiintindihan niya yung word ni God and rules and regulations,
“I don’t need [a] perfect guy, kasi wala naman talagang perfect. If ganun kasi ang hahanapin ko, baka tumandang dalaga na ako wala pa akong nahahanap ha ha ha,
“Tsaka hindi naman ako perfect, siguro yung magiging perfect match ko, hindi perfect guy basta perfect match sa akin.”
Gusto mo ba artista din na katulad mo ang makatuluyan mo?
“Not really. Sa akin kasi, kung ano o sino ang ibigay sa akin ni Lord, artista man siya o hindi, tatanggapin ko, basta galing kay Lord,
“Alam ko kasi ‘pag galing sa kanya, yun na yun hindi na ako magdadalawang isip pa,
“Alam ko kasi ‘pag dumating na siya, lahat ng gusto ko sa isang lalaki nasa kanya na,” pagtatapos ni Sheena Halili.
Follow me…