May 22, 2025
Sheree maintains beauty despite parting ways with Gian Magdangal
Rodelistic

Sheree maintains beauty despite parting ways with Gian Magdangal

Feb 14, 2015

Rodel

by Rodel Fernando

9k= In good shape at tunay nga namang napaka-sexy pa rin hanggang ngayon ang dating miyembro ng Viva Hot Babes na si Sheree. Nakasama namin siya kamakailan sa BIR eventĀ at maging kami ay humanga sa kagandahan at kaseksihan niya.

Hindi namin sukat akalain na papalitan siya ng ibang babae ni Gian Magdangal. After seven years kasi ng pagsasama nilang dalawa at nabiyayaan ng isang anak ay may sarili na silang buhay ngayon.

Tama na rin naman ang naging desisyon ni Sheree na iwan na rin itong si Gian dahil balita naming hindi kayang pakasalan ng huli ang una dahil hindi pa raw siya handa sa responsibilidad.

ZHindi sa kinakampihan namin si Sheree, hindi nga naman tama na sa isang babaing tulad niya na naanakan pa ni Gian ay kailangan pa niyang makisama sa lalaking hindi kayang bumuo at panindigan ang pagpa-pamilya.

Sa isang tulad ni Sheree, siguradong marami pa siyang makikitang lalaki na mas higit ang mga katangian kaysa kay Gian.

Pero aminado naman si Sheree na naging malaking bahagi ng buhay niya male singer lalo nat may anak pa sila. Hindi rin niya dini-deny na sobra siyang nasaktan nang maghiwalay sila ng dating partner. Ang kagandahan nga lang ngayon ay magkaibigan pa rin sila pagkatapos ng nangyari sa kanila.

Sa ngayon, abala si Sheree sa paggawa ng kanyang album na may planong i-release sa ibat-ibang panig ng bansa bukod dito sa Pilipinas. Kakapirma lang niya ng bagong kontrata sa Viva Artist Agency ni Vic del Rosario at inaasahan ang mga bagong proyekto na gagawin ng singer-actress.

‘Nga pala, totoo ba ang aming nakalap na balita na hindi binayaran si Sheree sa pag-perform niya sa City of Dreams? Kinuha kasi siyang regular performer sa naturang lugar at hindi yata naging maganda ang kinahinatnan ng kapalaran niya roon kahit ibinigay niya ang kanyang 100 percent performance. Ganoon? Kabagu-bago pa lang ng City of Dreams ay may ganito nang kaganapan? Ayaw ng Solaire at Resorts World nang ganyan.

__________________________________________________________________________________

af435687ebf818e2c4d1bb18e06e42e6Pwede na bang ka-insekyuran ng female stars ng GMA 7 si Max Collins? Mukha kasing ito na ang susunod na gagawa ng ingay at pag-uusapan dahil nasa kanya ang puedeng tanghaling prinsesa ng Kapuso Network. Kasi naman, bukod sa ganda ni Max ay mahusay pa itong umarte. Artistahin talaga ang kanyang itsura at siguradong marami siyang kakabugin. Huwag lang ma-inlove, tiyak na malayo ang kanyang mararating. Pero teka, balita naming napapalapit ang loob niya kay Geoff Eigenmann na kasama niya sa programang Kailan Ba Tama ang Mali? Totoo ba ang tsikang panay daw ang texan nila ni Geoff? Gusto naming maniwala sa bagay na ito dahil minsan nang sinabi ni Max na nababaitan siya kay Geoff at puwede raw siyang mapalapit dito. Pero huwag na muna sana at career muna niya ang kanyang asikasuhin niya lalo pa’t maganda ang pag-aalaga sa kanya ngayon ng kanyang home network.

Leave a comment

Leave a Reply