
Sheryl Cruz busily promotes new album, ‘Sa Puso Ay Ikaw Pa Rin’; Spearheads an advocacy/cause-oriented group, Paper For Now: Trash For A Cause
Masigasig ngayon sa pagpu-promote ng kanyang latest album si Sheryl Cruz na ‘Sa Puso Ay Ikaw Pa Rin’ released by Universal Records and produced by Mon del Rosario.
“Meron akong dalawang compositions dito, ‘yong ‘Mananatili Ka’ at saka ‘yong ‘The Last To Know’,” pahayag ng singer-actress.
Masayang naikuwento pa nga niya, may isinulat din daw siyang kanta para kay Jake Vargas. Ito ay ang ‘Alaala’ na ang lyrics ay tungkol sa break up o hiwalayan.
“Kasi nagkatrabaho kami ni Jake sa seryeng ‘Strawberry Lane’ ng GMA. At mabait naman siya sa akin kaya sinabi ko na kung may kailangan siyang kanta, I’ll give him one of the songs I composed.
“Napalagyan na iyon ng arrangement. Ang hinihintay na lang ay kung kalian iyon iri-record ni Jake.”
Mukhang bagay nga sa young actor ang composition na iyon ni Sheryl. Balita kasing broken-hearted ito ngayon dahil sa muling pagbi-break nila ni Bea Binene.
“Hindi ako aware na break na talaga sila. Actually hindi ko alam,
“Hindi ko talaga alam. Anong nangyari?” patanong na reaksiyon ni Sheryl.
Parehong tahimik at hindi nagsasalita ang dalawang Kapuso teenstars tungkol sa split up nila. Pero ang mommy ni Bea nang matanong ng ilang movie press, hindi itinangging totoo ngang hiwalay na ang anak at si Jake.
“Bagay pa naman silang dalawa. Pero… para sa akin, siguro hindi rin naman sila kailangang magmadali.
“I-enjoy na lang muna nila kung ano ‘yong kanilang trabaho.”
Bukod sa pagpu-promote ng kanyang album through mall shows and other personal appearances, guestings sa iba’t ibang TV show ang pinagkakaabalahan ngayon ni Sheryl.
Wala pa ba siyang gagawing bagong teleserye sa GMA?
“I was actually offered a new teleserye. Kaya nga lang, medyo pinagpahinga ko muna ‘yong sarili ko.
“Nagpahinga muna ako. Kasi, di ba…. busy ako ngayon sa pagpu-promote ng album, medyo mahirap kapag pinagsabay.
“Pahinga nang konti lang naman. But I’m still visible.
“Tinanggap ko naman ‘yong offers na mag-guest sa ‘Love Hotline’, sa ‘Imbestigador’ … ‘yong mga gano’n na paisa-isa.
“And I also hosted ‘Walang Tulugan’ for two weeks.
“And actually, may isa pa akong pinagkakaabalahan. Ito ‘yong advocacy ko na Paper For Now: Trash For A Cause.
“’Yong mga interesado na bumili ng produkto namin, you can buy it at sa SM Kultura sa MOA, sa SM Makati, SM Edsa, at sa SM Aura.
“At itong mga produktong ito, they are made out of recyclable materials. Gawa siya sa mga hinabi na mga diyaryo.
“Kaya ‘yong mga diyaryo na nakatambak lang sa mga bahay-bahay, hinihingi namin at dinadala sa Sacred Heart Parish sa Mandaluyong.
“Inumpisahan ko ito three years ago. At nagpapasalamat kami ng marami sa SM Kultura fo actually supporting us dito sa cause naming ito na hanggang ngayon ay bumibili pa rin sila sa amin.
“Tapos ‘yong iba naming customers, meron kaming ginagawa na custom made na bags at iba pang products upon request.
“Pinag-aralan ko talaga kung papano na ang mga diyaryo ay ginagawang parang banig bago magawang mga bags. Kasama ko ‘yong mga mothers na ngayon ay siyang tumutulong sa akin dito.
“Mga marginalized society kasi ‘yong tinutulungan kong women. At pati men din na tumutulong kapag nagri-rematches at sila na rin ang nagkakabit ng mga handle sa bag.
“At maganda kasi natutulungan ‘yong mga kababaihan sa mga pang-araw-araw na allowances. Na hindi na nila kailangang kunin sa kung anumang take home pay ng kani-kanilang mga husband, di ba?
“Kumbaga, may budget sila for their own,” sabi pa ni Sheryl.