May 23, 2025
“If I fall in love again, I want a simple guy.  Not in uniform, no body guards.” – Sheryl Cruz
Latest Articles

“If I fall in love again, I want a simple guy. Not in uniform, no body guards.” – Sheryl Cruz

Jan 15, 2015

john@fontanilla
by John fontanilla

SHERYL-CruzNgayong 2015 ay handa na daw magkaroon ng panibagong pagibig ang singer/actress na si Sheryl Cruz pero this time daw ay sisiguraduhin na daw nitong tamang lalaki na ang kanyang papapasukin sa kanyang buhay.

Tsika nga ni Sheryl ng makausap ng Portal Showbiz Republic (psr.ph) ng makapanayam ito sa Dulcellatte sa Quezon Ave. QC kamakailan, “Ako naman kasi hindi naman ako nagku-close sa possibility na magkaroon ulit ng inspirasyon, inspirasyon lang naman yun di ba.

“Pero hindi priority, pag dumating ok lang kung wala naman okey lang, I have my daughter naman siya kasi ang inspirasyon ko ngayon.

“More than boys kasi mas naka-focus ako ngayon sa trabaho, like sa acting and singing kung saan magsisimula na akong magkaroon ng mall shows ng album ko.

“Kaya magiging busy ako at maraming trabahong gagawin .

Natanong namin si Sheryl tungkol sa suitors, “Meron naman mga artista at mga non-showbiz guys, mga nagpapapansin at nagpaparamdam ha ha ha.

“Pero right now wala pa talaga, pero if ever na magkakaroon ulit ako ng karelasyon sisiguraduhin ko na siya na talaga.

“Ayoko na kasing madapa pa ako ulit, gusto ko this time sure na talaga ako .

Pero kung iibig daw muli si Sheryl ayaw nitong naka uniform o may body guard, “Naku ayoko ng naka uniform (pulis) na-trauma ako galing na ako dyan kahit simple okey lang wag lang naka uniform .

“Ayoko din yung may body guards na subukan ko na dati yan, kaya ayoko na.

“Gusto ko simple lang, matangkad, guwapo, may magandang trabaho at higit sa lahat tanggap ako at [ang] anak ko.

“Kasi pag hindi niya tanggap ang anak ko ‘wag na lang, yun talaga yung isa [sa mga] qualifications ko sa lalaking mamahalin ko at mahal ako.

“Importanteng hindi lang mahal niya ako, kailangan mahal niya rin ang mga taong mahal ko.

Nang tanuning namin siya about her relationship with former husband, “Siguro ‘wag na lang nating pag-usapn yun, may sarili na kasi siyang buhay at ganun din naman ako.

“Ang nakakatuwa lang kasi hindi siya nagpapabaya sa kanyang responsibilidad sa anak naming si Ashley.

“Tsaka nakikita ko naman na nagkakausap sila ng anak ko sa Skype.

“Maganda naman na may communication pa rin sila ng daddy niya .

“Ayoko naman kasi isipin niya na inilalayo ko ang anak namin sa kanya, kaya I let them talk.

Yung tungkol naman sa Japan trip ng aming tanungin, “Mamo-move lang ng sandali yung pag punta ko ng Japan para sa promotion ng album ko.

“Dapat ay ngayong January ako pupunta, pero gusto ng Universal Records, i-promote ko muna dito sa Pilipinas, kaya dito muna ako magpo-promote, pero tuloy na tuloy pa rin ang Japan trip ko after ng promotion ko dito sa Pilipinas.”

Follow me…

social networkingJohn Fontanilla
iamjohnf

Leave a comment

Leave a Reply