May 25, 2025
Sheryl Cruz will not retract her statement; believes Aunt Susan will understand her in time
Home Page Slider Latest Articles

Sheryl Cruz will not retract her statement; believes Aunt Susan will understand her in time

Oct 2, 2015

roldan@castro

By: Roldan Castro

SHERYL-Cruz1-200x300Nag-deny si Sheryl Cruz na nagkaroon siya ng breakfast meeting sa isang Congressman at isang supporter ni Sec. Mar Roxas.
“Hindi ko sila mga kilala,” diretso niyang sagot nang makausap siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa isang sikat na restaurant sa Tomas Morato.
“Nobody is behind me,” sambit pa niya.

Wala pa raw siyang sinusuportahan sa mga presidentiables. Napakahalaga raw sa kanya ang bagay na ito dahil kinabukasan ng bansa natin ang nakataya. Marami raw magagaling pero kailangan daw ang puso ay nasa tao.
“‘Yung puso ay nasa mga bata, sa mga magulang, makakatulong sa ating lahat lalo na sa industriya ng sining,” pahayag niya.
“Sa akin, hindi naman pera-pera lang ‘yan, di ba? Kahit papaano prinsipyo pa rin ang pinapairal ko. Kung anuman ang natutunan ko sa pamilya ko, sa ginawa nilang pagpapalaki sa akin ‘yun lang naman ang aking ginagawa at sinasabi,” dagdag pa niya.

 

Binigyang diin din niya na kung anuman ang binitawan niya ay sarili niyang opinyon. Hindi raw niya ire-retract. Ayaw na raw niyang pahabain pa ang usapan at tumigil na rin siya sa pagsasalita. Hindi pa rin daw sila nagkakausap ni Ms. Susan Roces pagkatapos ng isyu sa kanila ni Sen. Grace Poe. Pareho raw kasi silang busy. Pero naniniwala si Sheryl na sa takdang panahon ay maiintindihan din ni Tita Swanee [Susan] ang pinaniniwalaan niya. Pinabulaanan din niya na dahil sa mana-mana ang lahat. Hindi raw siya naiinggit kay Grace Poe.

 

Paano kung suyuin siya ni Grace?
Lagi raw niyang sinasabi na open daw siya sa communication line kay Grace Poe. Wala naman daw siya hindi kinakausap. Inirerespeto naman daw niya bawat miyembro ng kanyang pamilya. Kung wala raw siyang concern ay hindi siya magsasalita.SHERYL-Cruz

Ano ang reaksyon niya sa statement ni Grace na respeto at pagmamahal ang ibibigay sa kanya?
“I feel loved. Kung anuman ang sinabi ko, love din ‘yun. Family is always family,” pakli niya.

Naramdaman ba niya ang sincerity sa sinabi ni Senator Grace?
“Ano sa palagay ninyo? Basta sa akin mahal ko kayo. Masaya ako na nandito kayo,” bulalas niya na parang umiwas sa tanong.

Anyway happy si Sheryl dahil extended ang serye niya sa GMA 7 na “Buena Familia” hanggang January.

Leave a comment

Leave a Reply