June 13, 2025
“She’s the closest girl friend of mine.” – James Reid on screen partner Nadine Lustre
Latest Articles Movies

“She’s the closest girl friend of mine.” – James Reid on screen partner Nadine Lustre

Apr 28, 2015

by PSR News Bureau

Isa sa mga hottest loveteams ngayon ang tambalang JaDine na galing sa pinagsamang pangalan nina James Reid at Nadine Lustre. Hindi na talaga mapipigilan ang pagiging sikat ng dalawa dahil kahit saan man sila magpunta, patuloy ang pagtili ng fans at walang humpay na hiyawan.

Matapos ang matagumpay nilang tambalan sa dalawang pelikula nila na ‘Diary ng Panget’ at ‘Talk Back And You’re Dead,’ muling nagbabalik ang dalawa para sa pelikulang ‘Para Sa Hopeless Romantic’ na isang film adaptation ng best selling na nobela ni Marcelo Santos III na may parehong pamagat.

Nakapanayam ng press sina Nadine at James kabilang na ang Philippine Showbiz Republic (PSR) sa isang press conference na ginanap kagabi. Ayon kay Nadine, bagamat talagang magkaibigan lang sila ni James, hindi ito nagging hadlang para kagatin ng publiko ang kanilang tambalan. “Natutuwa kami na kinikilig ang fans sa aming dalawa. Para sa akin po, okay po yung ganun na wini-wish ng fans na maging kami, kasi doon po yung simula ng kilig. I mean, dahil doon nakakapagpasaya kami ng tao.”

Sabi naman ni James, “It’s not something that you push. That’s what makes our love team unique because there’s rapport yet we’re not really together off cam. Nadine and I are very good friends. She’s the closest girl friend of mine.”

[metaslider id=10366]

Ang pelikulang ‘Para Sa Hopeless Romantic’ ay naka-sentro sa ideya ng bawat isa sa atin na may love story na tayo lang ang makakapagsulat kung saan ang lahat ay naghahangad ng happy ending sa ating indibidwal na love stories.

Gagampanan nina James at Nadine ang mga papel nina Nikko at Becca na dating magkasintahan na magkaiba ang disposisyon sa pag-ibig. Positibo ang takbo ng utak ni Nikko sa posibilidad na magkabalikan sila ni Becca habang si Becca naman ay bitter dahil na rin sa kanyang failed relationship kay Nikko. Sa isang alternatibong realidad naman sa isip ni Becca mabubuo ang kuwento ng mga papel na gagampanan naman nina Julia Barretto at Inigo Pascual bilang Maria at Ryan.

Magkakabit ang love stories nina Nikko at Becca at nina Ryan at Maria. Ngunit parehas na naglalayong turuan ang manonood na pagdating sa pag-ibig, lahat tayo ay may kapangyarihang piliin ang sarili nating happy ending.

Ang ‘Para Sa Hopeless Romantic’ ay sumasalamin sa bawat taong naghahangad na mahalin, natatakot umibig, umaasang babalikan ng dating pag-ibig, at natatakot umibig muli.

Ipapalabas na ang ‘Para Sa Hopeless Romantic’ sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula ngayong Mayo 13.

Leave a comment

Leave a Reply